^

PSN Showbiz

Nag-aapoy na damdamin ng Kapamilya at TV5, mas marami pang pagmamahal at sakit

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nag-aapoy na damdamin ng Kapamilya at TV5, mas marami pang pagmamahal at sakit
Direk Benedict
STAR/ File

Ang gantihan drama na Nag-Aapoy Na Damdamin ang isa sa mga kasalukuyang teleserye na nagpapaibig at nagpapasakit sa damdamin ng mga manonood tuwing hapon.

“Mas marami pang pagmamahal at sakit ang aabangan ng mga manonood dito,” saad ng director na si Benedict Mique tungkol sa nalalapit na harapan ng power couples ng seryeng pinagbibidahan nina Jane Oineza, JC de Vera, Ria Atayde, at Tony Labrusca.

“All teleseryes are the same, but this is just more fun to make and watch,” sabi pa ni Direk na tinanggap ang proyekto kasama si Direk FM Reyes dahil sa pagnanais niyang mag-explore ng nakakagigil na kwento kasama ang mga aktor na hindi pa niya nakatrabaho.

Saad niya, “I love working with new actors. Na-excite ako when you put these actors into these characters. Ang sarap laruin. Makikita n’yo naman ang results.”

Si Direk Benedict ay isang screenwriter-director na siyang sumulat sa mga seryeng On The Wings of Love at Since I Found You.

Nagsilbi naman siyang direktor ng mga pelikulang MOMOL Nights at Wild Little Love. Itinuturing niyang mentor sa industriya ang National Artist na si Ricky Lee.

Napapanood ang Nag-Aapoy Ng Damdamin Lunes hanggang Biyernes, 3:45 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

JANE OINEZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with