GTV..., may bagong balita!
Ilulunsad ng GMA Integrated News kakabit ang kanilang “Mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan!,” ang bagong programang Balita Ko this Sept. 4, 11 a.m. on GTV.
Anchored by two of the country’s award-winning and seasoned journalists Connie Sison and Raffy Tima, ang Balita Ko ay news and infotainment program na hindi lang umano breaking news and updates ang ihahatid, kundi mga sariwang segments na tatalakay sa mga topic na malapit sa puso ng mga Pinoy.
“Mabubusog na kayo sa impormasyon, maaaliw at maeengganyo pa kayong tumutok para maging updated sa mahahalagang balita at impormasyong dapat niyong malaman,” said Raffy.
“Sagot na namin ang balita na kailangan nilang malaman,” added Connie.
Samantala, ang senior correspondent na si Katrina Son ang maghahatid ng mga update sa panahon mula GMA Integrated News Weather Center.
With her bubbly personality, si Aubrey Carampel ang magbibigay ng latest entertainment news and features via the segment Mare, Ano’ng Latest?
Maaari ring abangan ng viewers ang iba pang segments sa Balita Ko: Kitang Kita, which features successful and inspiring stories on livelihood, small businesses, and side hustles; Health Is Wealth, which tackles health-related news and issues; and Talaga Ba?, a segment that debunks common Filipino myths.
- Latest