Carla, old school mag-memorize ng script

Carla
STAR/ File

Wala pang nilalabas na statement ang Triple A sa paglipat sa kanila ni Carla Abellana.

Iisa ang manager nina Carla at Tom Rodriguez, si Popoy Caritativo, ng matagal na panahon.

Si Popoy ay former manager din nina Marian Rivera and Dennis Trillo.

Baka kasi dahil abala pa si Carla sa kanyang teleserye sa GMA 7 na talagang pinaghahandaan niya.

Pinakita nga niya na old school siya sa pagme-memorize ng script.

Hindi sa computer, sinusulat niya sa Manila paper ng pentel pen at doon niya binabasa ang malalaking letra ng script.

“Minsan, ganito talaga ako maghanda para sa mga eksena ko sa trabaho. Lalong-lalo na kapag mahaba, mahirap at marami ang mga linya ko. Na lagi naman, kung tutuusin.

“Madalas, akala ng karamihan na nakakatrabaho ko sa industriya na mabilis at mahusay ako mag memorya. Hindi nila alam na ilang beses sa loob ng ilang araw ko munang pinag-aaralan ang mga eksena at mga linya ko.

“Kaming mga Artista, hindi kami basta-basta darating sa set para umarte sa harap ng mga camera. Kadalasan, hindi lang isang araw, dalawang linggo o tatlong buwan namin kung paghandaan ang mga gagampanan namin.

“Pero dahil mahal na mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mabigo ang network, mga producers, mga manunulat, mga direktor at mga kapwa ko Artista na nagtitiwala at umaasa din sa akin, gagawin ko ang lahat para maghanda ng mabuti.

Ganito ako bilang isang Artista.”

Majority sa mga artista ngayon, sa cellphone na lang nagme-memorize at may direktor namang unscripted na ang programa kaya kanya-kanyang atake na lang.

Show comments