^

PSN Showbiz

Erik, ‘di pa nakaka-recover sa pagkamatay ng mga magulang

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Erik, ‘di pa nakaka-recover sa pagkamatay ng mga magulang
Erik at Pinky
STAR/ File

Ang Chemist at Philanthropist na si Pinky Tobiano ang isa sa nakakapagpatunay kung gaano kabuting tao at Kabait na anak ang OPM balladeer na si Erik Santos.

Achi ang tawag ni Erik kay Pinky at Shoti naman ang tawag nito sa singer.

Kaya nakiki-Achi na rin kami ng tawag kay Pinky na naka-lunch namin nung Sabado, at excited siyang kinuwento sa aming na-out na raw niya sa kanyang YouTube channel na Pinky Tobiano ang bonding nila ni Erik sa Turkiye.

Nagkita sila sa Turkiye nung April pagkatapos magbakas­yon ni Erik sa Europe kasama ang kanyang ama.

Nung November last year pumanaw ang ina ni Erik, kaya ipinasyal niya ang kanyang ama.

Pagkagaling doon sa Amsterdam ay tumuloy siya ng Turkiye para magkita sila ni Achi Pinky.

Nag-ikot sila sa iba’t-ibang tourist destinations ng naturang bansa.

Isa na roon ang Ephesus na kung saan doon nanirahan ang Virgin Mary.

Nagdasal sila roon sa Ephesus, namili ng ilang souvenir items at pati ang namayapang ina ni Erik ay ibinili pa niya ng rosary.

Sa vlog na ‘yun ay nakikita ang sobrang closeness ng magkaibigan.

Sabi ni Achi Pinky, almost 20 years na silang magkaibigan ni Erik at sabi nga ng singer doon sa vlog, “If there’s one person in the world, aside from my family, si Achi ang talagang walang iwanan.

Kahit sa pinaka-lowest part of my life, she was there.”

Isinama ni Pinky si Erik sa ilang araw na bakasyon sa Turkiye dahil sa sobrang lungkot pa raw noon ni Erik dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.

Pero pagkatapos ng bakasyon nila roon, ilang buwan lang ang dumaan, na-confine sa hospital ang ama ni Erik dahil din sa lung cancer, at ang bilis daw ng mga pangyayari, pumanaw rin ang ama ng Kapamilya singer nitong nakaraang buwan lang.

Suportado niya ang nalalapit na concert ni Erik na pinamagatang MilEStone: The 20th Anniversary Concert na gaganapin sa SM MOA Arena sa Oct. 6.

Hindi raw niya maisip kung paano maitatawid ni Erik ang concert na ‘yun na wala na ang magulang niyang manonood sa kanya.

Ysabel, may nadiskubre sa sarili

Ngayon na ang huling linggo ng Voltes V: Legacy sa GMA 7.

Ang laki ng nabago sa buhay ng mga bida sa action-fantasy series na ito kaya hindi nila naiwasang maging emotional sa last day ng taping nila.

Nasa Instagram post nga ni Ysabel Ortega ang mahigpit na yakapan nila sa set.

Bahagi ng caption ng Kapuso actress, “In a span of 3 years, from strangers, naging pamilya ko na kayo. Mahal na mahal ko kayong apat. I am so proud of each and everyone of you and I’m so happy and proud na kayo ang mga nakasama ko sa journey na ito.”

Very memorable kina Ysabel at Miguel ang bonding nila sa Amerika na kung saan nakasama sila sa San Diego Comic-Con dahil may participation doon ang Voltes V na ikinatuwa ng Pinoy fans doon sa Amerika.

Itong San Diego Comic-Con ang pinakamalaking annual comics convention sa California, USA at malaking bagay itong naimbitahan ang GMA 7 dahil sa Voltes V.

“So, it was a win talaga for GMA for Voltes V, for the production, but it’s also a win for Filipinos. kasi sinasabi nga nila na naka-penetrate na ‘yung GMA and ‘yung Philippine television globally. So, milestone po siya and ‘yung part kaming lahat. So, sobrang nakakataba ng puso,” pahayag ni Ysabel.

Masaya rin para sa dalawa ang experience nilang ‘yun sa Amerika dahil nagkaroon sila ng chance na lalong mag-bonding.

Dagdag na pahayag naman ni Ysabel, “Like what Miguel said, first out of the country namin together. And ‘yung Mom ko po kasi is very strict po sa akin. Kahit out of town hindi niya ako pinapayagan. And, pinayagan niya ako for San Diego, kasi siyempre nga it’s a big milestone for me, for us. So, pinayagan niya ako kasi with direk Mark and everything. So, ang dami ko namang bantay.

“Pero, na-enjoy ko siya kasi once in a lifetime ‘yung experience ‘yun sa Comic-Con and ‘yung experience with Miguel and along with the others, talagang na-appreciate ko. And like what I mentioned din kanina, naging adventurous po ako because of Miguel.

“Naiisip ko, ano kaya ‘yung gagawin ko dito kung hindi ko kasama si Miguel? Tapos, baka nasa cafe lang ako nagbabasa lang ako. Very ano rin ako kung ano ‘yung nagagawa ko rin dito. But with Miguel, nag-explore kami, nagpunta kami sa iba’t-ibang parts ng downtown, and sobrang na-appreciate ko kasi na-discover ko rin ‘yung side ko na ‘yun because of him. And nakakatuwa lang din na it was out of the country pa.”

OPM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with