Balik na pala sa pagdidirek si Johnny Manahan or Mr. M sa The Voice Generations Philippines. Tinapos na niya ang apat na taong pamamahinga na hindi raw siya talaga humawak ng kahit anong programa o pelikula kaya masaya raw siya sa bagong oportunidad.
Nagulat daw siya kay Dingdong Dantes. Alam niya kung gaano kagaling ito bilang aktor pero isang rebelasyon sa kanya ang pagiging host nito.
“I knew Dong to be a really fine actor. Sinusundan ko ‘yung mga teleserye niya. Ako naman ang nagulat. I think he’s one of the finest hosts that you could have nowadays,” pahayag ni Mr. M.
Napuri rin ng direktor ang The Voice Generations coaches na sina Chito Miranda, Billy Crawford at Julie Anne San Jose.
Pero ang isa pang ikinagulat niya ay si Stell ng SB19 kung saan unang beses niya palang makilala sa programa.
Naibahan siya sa presensya nito kaya speechless daw talaga siya nang mapanood niya ang pagkanta at paggalaw nito.
“‘Yung presence niya, presence lang eh, talbog na ako eh. Wala na akong masabi, wala na akong mapintas. And kapag kumanta siya, ‘yung paggalaw niya, that’s a star,” sey ni Mr. M.