^

PSN Showbiz

Anne, nag-military training!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne, nag-military training!
Anne Curtis

Ilang araw na hindi napanood si Anne Curtis sa It’s Showtime dahil sa paghahanda ng aktres para sa isang proyekto. Magbibida si Anne sa isang pelikulang gagawin ng beteranong direktor na si Erik Matti.

Bilang paghahanda ay mayroong military training na ginawa ang aktres para sa bagong pelikula. “I am working on something special with direk. So that’s why I haven’t been on Showtime. I know people have been asking, ‘Nasa’n ka?’ but I have been preparing and training for a special project with Erik Matti,” paglalahad ni Anne.

Ayon sa It’s Showtime host ay mahirap ang kanyang ginawang paghahanda para sa pelikula.

Mapapanood ang proyektong pagbibidahan ni Anne sa susunod na taon. “Challenging of course, physically and mentally but it was great to really immerse and get the feeling of what I have to prepare for my role, for what I have to prepare mentally and physically of course for the role that I will do,” pagbabahagi ng aktres.

Dalawang araw ang inabot ng military training ni Anne kasabay ng 201st Infantry Kabalikat Brigade.

Kakaibang karanasan para sa aktres ang lahat ng ginawa sa bootcamp. “We woke up early, we did the obstacles. We ran with them and ‘yung mga sir and ma’am maraming salamat ulit sa patience n’yo. Sabi ko nga sobrang timing na the very next day it was Araw ng mga Bayani. So, it was just so appropriate to do a snappy salute because they are our modern day heroes,” pagtatapos ng It’s Showtime host.

Darren, pinaghahandaan ang mga pinoy sa Italy

Isa si Darren Espanto sa mga magtatanghal para sa ASAP Natin ‘To Milan na gaganapin sa Sept. 10 sa Mediolanum Forum, Assago, Italy.

Para sa singer ay malaking bagay na makapagbigay ng kasiyahan sa mga kababayang nasa ibang bansa. “Alam ko marami hindi nakakauwi. So, we hope to bring Philippines for them even for a few hours. Help them bring them back to their roots, and matanggal stress, spread good vibes and happiness,” bungad ni Darren.

Ayon sa binata ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang lahat ng kanilang inihandang production numbers. “So many prods dapat abangan. I will be doing the first live performance of my upcoming single. We are rehearsing for that now. I haven’t released a single in a long time. Ito ay isang sorpresa. Kinakabahan ako up until now but it is an exciting feeling too. It is a mixed emotion. It pushes me to do better in stage. It never really goes away,” giit niya.

Excited si Darren na makipag-bonding sa mga kasamahang artista na lilipad patungong Italy. Nakatakda ring magkita ng singer at ng inang ma­tagal nang nakabase sa Canada. “It is my first time, I am going to do a few sidetrip, go around Italy with my mom. I’m very excited. Kakain ako ng maraming gelato and pizza. Hindi madalas makasama co-artists sa ibang bansa, looking forward to more camaraderie, bon­ding namin. Iba ‘pag nasa ibang bansa. Doon we are all together. We are clingy ‘pag nasa ibang bansa,” nakangiting pahayag ng singer. — Reports from JCC

ACTRESS

ANNE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with