May parinig kay KC? Sharon, kinumpara kay Dennis Padilla
“From Peter Pan…For one of my four children,” ang caption ni Sharon Cuneta.
Nakasulat sa artcard nito ang : “ From Peter Pan…For one of my four children.Every kind of love, it seems, is the only one. It doesn’t happen twice. And I never expected that you could have a broken heart and love with it too, so much that it doesn’t seem broken at all. I know young people look at me and think my youth seems so far away, but it’s all around me, and you’re all around me,” ang nakasaad sa quotation na ipinost ni Sharon.
Mabilis na nahulaan ng kanyang followers na para kay KC ang nasabing mensahe.
At kinumpara pa siya ng iba kay Dennis Padilla na nagpaparinig daw sa anak.
May nagpayo naman sa kanyang ‘wag nilang idaan sa social media kung anumang bubog o sugat ng kanilang relasyon bilang mag-ina dahil baka rin naghahanap ng atensyon si KC.
Nasayang na Darna at Valentina...Pia at Liza, nagpasabog ng ganda!
Nagpasabog ng ganda sina Pia Wurtzbach and Liza Soberano sa isang frame.
Kabilang sila sa mga dumalo sa anniversary gala ng isang glossy magazine.
Parehong dyosa ang dalawa kaya talagang nawindang ang netizens sa kanilang pagsasama sa pictorial.
Hindi raw sila handa.
Pero ang pinanghihinayangan nila ay ang pagiging Darna and Valentina nila na hindi raw nangyari.
Bagay na bagay raw sana.
Lately ay walang ganap kay Liza. Sa mga party-party lang siya visible at sa mga pictorial ng endorsement.
Nanahimik din Liza sa nangyari sa business partner ni James Reid na si Jeffrey Oh na wala palang permit to operate sa bansa. (SVA)
- Latest