Awra, nagsampa ng kontra-demanda!
MANILA, Philippines — Magkakaalaman na talaga ngayong nagsampa na pala ng counter charge si Awra Briguela laban kay Mark Christian Ravana.
Inihain ang kaso sa Makati City Prosecutor’s Office.
Nagkaroon na rin pala ng preliminary investigation ayon sa report ng DZBB.
Days ago nang kasuhan uli si Awra sa Makati dahil pa rin sa naganap na rambulan noong Hunyo 29 sa isang KTV bar sa Poblacion, Makati.
Mga kasong light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Spaces Act ang mga bagong kasong isinampa kay Awra.
Nauna na siyang kinasuhan ng slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority.
Nasangkot ito sa rambulan na nung una ay lumalabas pa na wala siyang kasalanan. Pero kumalat ang mga video sa totoong pangyayari sa labas ng The Bolthole Bar sa Poblacion.
- Latest