MANILA, Philippines — Wow, pinilahan ang pelikulang Monday First Screening starring Ricky Davao and Gina Alajar.
At hindi lahat senior ang pumila, in all fairness, base sa mga video na kumalat kahapon sa social media.
Very light ang story ng pelikulang ito.
Kikiligin ka lang at walang inhibitions kumbaga ang kuwento.
Simple pero may tama na dinirek ni Benedict Mique.
Umiikot ang istorya ng Monday First Screening sa dalawang senior citizen na nagkakilala at nagkainlaban sa panonood ng libreng pelikula sa unang screening tuwing Lunes sa isang mall.
Ito ang unang pagkakataon na sumabak sa film production ang Net25 na consistent sa pagpo-produce ng wholesome content sa kanilang network.
Kinabog nito ang ibang pelikula ng mga young star at bold star na most of the time lately ay first/ last day ang kapalaran sa takilya.