Kasabay ng mga pagbabago at hamon ng mabilis na mga pangyayari sa mundong ito, tinatanggap ng GMA Integrated News ang mas malaking misyon na magdala ng mas malawak na serbisyo publiko habang ipinakilala ng ‘News Authority of the Filipino’ ang bagong tagline nito: “Mas malaking misyon, mas malawak na serbisyo sa mga tao! ”
“Being the most trusted news organization in the Philippines is a great responsibility,” pahayag ni GMA Network Senior Vice President for Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso. “The multi-platform campaign of GMA Integrated News – ‘Mas malaking misyon, mas malawak na paglilingkod sa bayan’ – strengthens our commitment in pushing ‘Serbisyong Totoo’ further by embracing a bigger purpose to bring fair, balanced, and accurate news to a much broader audience as the news authority of the Filipino,” dagdag pa niya.
At sa unang pagkakataon nagkasama-sama ulit sa isang studio mula noong pandemya ang mga news personality mula sa GMA News Manila, GMA Regional TV, GMA News Online, at GMA Super Radyo para sa GMA Integrated News Omnibus plug na nag-debut sa ere at online noong Agosto 7.
“This was a massive production endeavor involving many departments in the Network. We had to time everything, the logistics, the setup, and the actual shoot so as not to hamper the news operation,” ayon naman kay Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials Michelle Seva.
Mayroon na silang 1,000 journalists and personnel across all platforms, 12 strategically located regional TV stations that air newscasts in local languages, 7 Super Radyo stations nationwide, and almost 204 million subscribers online.
“Karangalan po naming lahat na maging bahagi ng pinakamalaki at pinaka pinagkakatiwalaang news organization sa bansa,” pahayag naman ng isa sa mga haligi ng GMA Integrated News and 24 Oras anchor Mel Tiangco.
Samantala, ang flagship newscast nito, ang 24 Oras, ay ang pinakapinapanood na programa sa TV para sa Enero 1 hanggang Hulyo 31, 2023, sa Total Philippines (Urban and Rural combined) ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.
Kasama ang iba pang newscast nito – 24 Oras Weekend, Saksi, Balitanghali ng GTV, State of the Nation, Dobol B TV, at Regional TV News – pinapanatiling updated ng GMA Integrated News ang mga manonood sa buong araw kasama ang Super Radyo at maging sa GMA News Online.