Mga palabas ng Knowledge Channel Foundation, pinapalawak ang Early Childhood Development
Mas pinalakas ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) ang adbokasiya nito para sa Early Childhood Development (ECD) sa patuloy na paggawa ng mga video material at pagsuporta sa mga pag-aaral tungkol sa early childhood para mas magabayan ang mga magulang, guro, at child development workers sa tamang pagpapalaki ng mga bata.
Para sa mga magulang na nais palawakin ang kaalaman tungkol sa ECD, maaring mapanood ang mga programa ng Knowledge Channel na Heroes of Zero, ILY1000: Batang #Laking1000, at TalkED: Early Childhood Series with Bianca Gonzalez sa Knowledge Channel Facebook at YouTube pages, iWantTFC, at Kapamilya Channel.
“Ang tagumpay ng mga kabataan ay hindi lang tagumpay ng mga magulang, kung hindi pati ng buong bansa. Kaya patuloy naming tinutulak ang kahalagahan ng Early Childhood Education para mabigyan ng maganda at tamang simula ang mga bata,” pahayag ni KCFI president at executive director, Rina Lopez.
Sa isang global study na pinangunahan ng Asia Philanthropy Circle at sinuportahan ng KCFI, natumbukan ang ilang mga nakakahadlang sa wastong pagpapatupad ng mga ECD policies at programa sa Asya.
Isa rito ay ang kakulangan ng impormasyon at resources sa tamang kaalaman para magpalaki ng mga bata, lalo na sa mga probinsya. Nakita rin ang pagtaas ng malnutrisyon at pagkabansot na posibleng dahil sa kulang at hindi tamang impormasyon tungkol sa nutrisyon ang nakararating sa mga magulang at tagapag-alaga.
- Latest