Pokwang, ‘di natiis ang anak

Pokwang at Malia
STAR/ File

Ang cute naman ng mag-inang Pokwang at Malia na nag-bonding sa pool.  Hindi talaga sila nagpapigil sa malamig na panahon at kahit may bagyo ay tinuloy pa rin nila ang bonding nila.

Ibinahagi ng aktres ang video nila ng anak na magkayakap habang nakasuot ng buntot ng sirena.

Caption ni Pokwang sa kanyang post, “Sakay sa trip ni @malia_obrian kahit malamig at may bagyo hahahahhaha.”

Maraming mga mommy ang naka-relate sa kanya na hindi kayang tiisin ang anak. Gaya niya ay gagawin din nila ang lahat para sa kanilang mga anak.

Natuwa rin ang netizens sa kanila dahil ang sweet daw ng mag-ina habang magkayakap at suot ang buntot ng sirena sa pool.

Anak ni Pokwang si Malia sa dati nitong partner na si Lee O’Brian, na gusto niyang bigyan ng leksyon at naghain ng deportation case laban dito.

Mga katawan ng maedad, marupok na

Talagang tanghali na ako nakagawa ng kolum ko kasi nga talagang all night ako nag-throw up dahil sa upset stomach.

Dahil yata inabot ng madaling araw ang dialysis session ko kaya sumama ang katawan ko. Pero ok na ako ngayon kaya huwag magsaya ang ugly fat ladies dahil nasa fighting form uli ako.

Pero scary rin kung minsan ang pabigla-biglang pagbabago ng katawan ko.

Kaya naman laging on guard sina Dr. Mora, Evangelista, Muñoz at Linga dahil alam nila na fragile na ang katawan ng isang 76 years old na tulad ko.

Show comments