^

PSN Showbiz

Vivoree, pangarap ang entablado

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vivoree, pangarap ang entablado
Vivoree
STAR/ File

Bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula ay nangangarap ngayon si Vivoree Esclito na masubukan din ang pag-arte sa entablado. Nag-audition ang aktres kamakailan para sa Tabing Ilog musical na ginanap sa PETA theater. “They invited me to audition but I expressed naman talaga my interest in doing theater. Kasi I feel like it’s such an important training ground for me rin. Matagal ko na rin talaga gusto. I’ve watched clips lang ng show pero hindi ko pa siya natatapos talaga. Hopefully ma-watch ko siya ulit,” nakangiting pahayag ni Vivoree.

Matatandaang apat na taong namayagpag sa telebisyon ang Tabing Ilog na serye ng ABS-CBN mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong gampanan ni Vivoree ang karakter na ginampanan noon ni Kaye Abad na si Eds. “I want to bag the role of Eds. Kasi she’s very likeable and no’ng pinapanood ko ‘yung mga clips, talagang grabe, nakaka-relate ako sa kanya kasi simple lang siya. Taga-probinsya din kasi ako kaya talagang nakikita ko ‘yung sarili ko sa kanya,” paliwanag ng aktres.

Samantala, mahalaga para kay Vivoree na pangalagaan nang mabuti ang sarili upang maging maayos sa lahat ng bagay. “You have to take care of yourself as a whole, physically you have to eat healthy, magpapawis ka palagi. Mentally of course you have to get enough amount of rest and do the things that you want to do. Hindi lang ‘yung work ka lang nang work. Kasi may tendency talaga na ma-drain ka. You have to still do your hobbies, and do what makes you happy. I just watch anime. No’ng pandemic lang ako na-hook sa anime,” pagbabahagi ng dalaga.

Ricky, naramdaman ang importansya sa monday…

Simula ngayong Miyerkules ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Monday First Screening na pinagbibidahan nina Gina Alajar at Ricky Davao. Posibleng kiligin ang mga manonood sa love story ng dalawang senior citizens na karakter nina Gina at Ricky na sina Lydia at Bobby sa naturang Net25 movie. “I’m so grateful, I’m so proud kasi magkaibigan naman kami ni Ricky. I’m so relaxed with him. Thankful ako dahil napili kami para pagbidahan ang pelikula. Hindi ako nag-second thought kasi alam ko na bihirang mabigyan ng pansin ang ganitong klase ng istorya. Lagi tayong nando’n sa kabataan. We’re not given na rin talaga na mga opportunities to be the lead stars of movies,” makahulugang pahayag ni Gina.

Hindi raw kaagad nasi­mulan ang shooting ng pelikula dahil may kanya-kanya pang ginagawa bilang mga direktor sina Gina at Ricky noon. “’Yung feeling na bida kami ni Ms. Gina Alajar tapos binasa ko ‘yung material, ang ganda. Tapos I felt so important na Net25. Kasi I was directing something for GMA, same thing with Gina, and they really waited for us. So nagkaroon talaga ng chance, isang bagsakan, eksakto. Tapos ang kasama pa namin napakagagaling na artista. Sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz,” paglalahad naman ni Ricky.

(Reports from JCC)

VIVOREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with