Good vibes talaga ang hatid ng Unang Hirit sa viewers sa umaga na lalo pang pinatingkad ng kulitan ng mga host nito.
Bukod sa paghahatid ng balita, game na game kasi ang veteran news personalities na sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, at Mariz Umali na ipakita ang kanilang funny side sa Kapuso morning TV show.
Kasama pa nila sa kasiyahan sina Suzi Entrata-Abrera at Lyn Ching-Pascual, na bukod sa chika, hatid ay mga latest sa pagkakaabalahan ngayon lalo na ng moms.
Legal expert naman ang hatid ni Attorney Gaby Concepcion. Extra dose of good vibes din ang dala nina Matteo Guidicelli, Morning Sunshine Shaira Diaz, Morning Oppa Kaloy Tingcungco, Weather Heartthrob Anjo Pertierra, at Food Explorer Chef JR Royol.
Pati nga mga off-cam moment ng hosts, patok na patok sa netizens kaya naman di nakapagtataka na mas lalo pang inaabangan ang Unang Hirit na mapapanood weekdays, 5:30 to 8 a.m. sa GMA.