Marami ang nag-assume na fitting ng wedding gown ang ipinost ni Lovi Poe sa kanyang Instagram account.
May ilang pinik-ap ito at ipinalabas na wedding gown ang ipinost, dahil ang nasa caption nito ay “fittings.”
Pero ayon sa ilang taong malapit sa Kapamilya actress, hindi raw ‘yun wedding gown.
Parang isang mahabang tulle lamang ‘yun at veil para sa cover pictorial ng isang magazine.
Nakapaloob sa magazine na ‘yun ang love story nina Lovi at ang fiance niyang si Monty Blencowe.
Malapit na ang wedding ni Lovi, na nakatakda na raw itong weekend na ito.
Hindi lang ibinigay sa amin ang buong detalye, pero tuloy na tuloy na ito, lalo na’t ipinost na rin niya ang wedding invitation na may caption na “Signed. Sealed. Delivered (white heart emoji).
Ilan sa mga malalapit niyang kaibigang nasa London na rin para daluhan ang kasal ay sina Rhian Ramos, kasama ang boyfriend niyang si Cong. Sam Versoza at si Max Collins.
Nag-post na rin sila sa Instagram na ilang kuha nila sa London at pareho silang may caption na “London called, we answered.”
Nasa London din ang kaibigan namin si Jun Lalin para daluhan ang wedding ni Lovi.
Nangako naman siyang magbibigay ng ilang kuha at detalye ng wedding.
Pelikula nina Sam at Juday, naubusan ng winter dahil sa problema sa visa!
Kinakarir na talaga ni Judy Ann Santos ang pagiging misis ni Ryan Agoncillo at nanay ng anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna.
Kuwento ni Judy Ann, alas-singko ng umaga ay gising na raw siya para maghanda ng baon ng mga bata at pati kay Ryan na pumapasok sa E.A.T.
Siya na rin ang naghahatid ng mga bata sa school, kaya nanay na nanay na talaga kaya’t bagay sa kanya ang bagong endorsement niyang Alaska Milk.
Pero nakakatanggap na ang aktres ng ilang projects at natapos na nga raw niya finally ang series niya para sa HBO na Call My Agent.
Excited si Judy Ann sa project na ito. Pero hindi pa pala natuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ni Sam Milby na Mrs. Winters.
Kukunan dapat ‘yun sa Canada habang nagwi-winter, pero naudlot ito. “Sa visa ko nagkaproblema. And then naubusan na kami ng winter. So, kung pinush thru na namin siya ng May or June, Mrs. Autumn na siya o Mrs. Summer na siya. So, mawawala na ‘yung essence ni Mrs. Winters,” bulalas ni Judy Ann sa nakaraang press launch ng Alaska Milk.
“So, I think at some point we’ll just wait for the next winter to come. And hopefully, by that time makalabas na ‘yung visa ko. Kung hindi pa, hindi pa alam kung ano ‘yung next step. Pero kasi with global warming hindi mo na talaga masabi kung kailan na ba talaga may snow,” dagdag niyang pahayag.
Naka-commit pa raw siya sa project na ito na pagsasamahan nila ni Sam Milby.
Samantala, may nagpaparating naman daw sa kanya ng impormasyon ng posibilidad na film project na pagsasamahan nila ni Claudine Barretto.
Sinabi naman ni Claudine noon na gusto niya talagang makatrabaho si Judy Ann, at okay naman daw ito sa kanya sabi ni Juday. “Hindi na ito nung araw na dapat nagsasabunutan na ang fans. Huwag na tayo dun. Kalma na natin ang mga dibdib at puso natin. Huwag na tayong bumash, ‘yung trabaho lang,”