'Never too late': Karla Estrada graduate na sa kolehiyo sa edad na 48

Litrato ng aktres at TV host na si Karla Estrada sa kanyang graduation ceremony
Video grab mula sa Instagram account ni Karla Estrada

MANILA, Philippines — Ang sabi nila sa pag-ibig, "Age doesn't matter." At para sa 48-anyos na aktres at TV host na si Karla Estrada, ganito rin ang kaso pagdating sa edukasyon.

Nakamartsa na kasi ang celebrity graduate sa kursong Bachelor of Science in Office Administration mula sa Expanded Tertiary Equivalency and Accreditation Program ng Philippine Christian University.

"It’s never too late to graduate! Another milestone unlocked," sabi ni momshie Karla nitong Huwebes sa caption ng isang video kung saan ipinasilip niya ang naturang graduation ceremony.

"Congratulations to my fellow graduates! Cheers!"

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Hulyo lang nang ibahagi niya ang ilang litrato niya nang nakatoga habang inaaunsyong magtatapos na siya sa kolehiyo.

Taong 2022 nang bumalik si Estrada, na ina ng aktor na si Daniel Padilla, sa pag-aaral upang tapusin ang kolehiyo.

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

"Develop a passion in learning, You will never cease to grow," wika niya noong isang buwan.

"Congratulations sa lahat ng aking mga nakasabayan sa pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Office Administration."

Taong 1987 pa lang nang makilala si Karla sa programang "That's Entertainment" sa GMA Network. 

Nagtuloy-tuloy na ang karera niya sa telebisyon mula noon, hanggang sa maging bahagi ng "Magandang Buhay" ng ABS-CBN hanggang 2022.

Isa si Estrada sa mga hosts ng rebooted "Face 2 Face" sa TV5 at One PH.

Show comments