Ronnie, may balak pasukin ang pulitika
May bulung-bulungan na nagbabalak raw sumabak ni Ronnie Alonte sa pulitika.
Pulitiko rin ang ilang kamag-anak ng dalawampu’t anim na taong gulang na aktor sa Laguna. “Sa ngayon parang hindi pa. Pero pinu-push nila ako na i-try ko. Sabi ko bata pa, siguro pagdating ng panahon, tsaka na. ‘Yung tipong nasa 30, 32 (years old) na ako. Ayaw ko naman ‘yung dahil pwede at kaya, go. Go na if hindi ko naman talaga totally gusto. Siguro kapag nando’n na ako sa pag-iisip ko na, ‘Ah sige, kailangan kong pasukin na ‘to,’” pagbabahagi ni Ronnie.
Nakahanda naman umanong suportahan ang aktor ng kasintahang si Loisa Andalio kung sakali mang pasukin ang mundo ng pulitika. Para sa aktres ay importanteng nakahanda na talaga si Ronnie kung sasabak man sa pagiging pulitiko para sa mga kababayan sa Biñan, Laguna. “Oo talaga, kasi siyempre ‘yung mga ganyan kung saan makakatulong. Importante diyan kapag ready ka na. Mararamdaman mo naman ‘yung ready ka na magsilbi sa public. Kasi ang dami niyan eh, hindi lang pamilya mo, buong Laguna na,” paliwanag ni Loisa.
Samantala, napapanood ang magkasintahan sa teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso. Ayon kay Loisa ay ibang-iba ang natutunghayan ngayon ng mga tagahanga ng tambalang LoiNie sa serye. “Magkaiba ‘to kasi hindi siya ‘yung nagpapa-cute kami. Na-type-an ko siya, ‘yung character niya kasi pulis. Tapos ako ‘yung character ko as Baby, talagang iniiwasan ko siya makita,” nakangiting pahayag ng aktres.
Jake, nangakong magiging mabuting ‘sundalo’
Pumirma ng eksklusibong kontrata si Jake Ejercito sa ABS-CBN kamakailan. Masayang-masaya ang aktor dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng Kapamilya network.
Ayon sa binata ay nagsimula siyang maging isang ganap na Kapamilya sa kasagsagan ng pandemya tatlong taon na ang nakalilipas. “I first joined ABS-CBN if I’m not mistaken 2020. So, the timing is less than an ideal kasi it was a year of pandemic and of course the shutdown,” kwento ni Jake.
Matatandaang isa ang aktor sa mga naging bida ng Marry Me, Marry You kasama sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noong 2021 hanggang 2022. Malaki ang pasasalamat ni Jake sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa mga proyektong ipinagkakaloob sa kanya.
Bukod sa isang bagong serye ay kabilang din ang binata sa pelikulang A Very Good Girl na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon. Mapapanood na sa mga sinehan simula Sept. 27 ang naturang pelikula. “I’m still blessed by our bosses I was given those na tuluy-tuloy din. Of course, I want to express my deepest gratitude for our bosses for believing in me and giving a lot of opportunities. And thank you for offering me this network contract. I promised to be a soldier of the company. Just really, really excited and blessed, looking forward for everything,” pagbabahagi ng binata. Reports from JCC
- Latest