Sexy star, mas pinili ang super yaman at bigtime jowa kesa sa maimpluwensyang pulitiko?!
MANILA, Philippines — Kalat na kalat na pala ang kuwentong tuluyan na talagang nag-break si singer/actress at ang influential boyfriend.
May kuwento pa ngang, pinapatigil si singer/actress sa regular show niya para mas tahimik at hindi mauungkat ang relasyon kay influential boyfriend. Pero napapanood pa rin namin ito at ang sumunod na balita ay break na pala sila.
Pero sabi naman ng ilang taong malapit kay singer/actress, sila pa rin naman daw at hindi pa break.
Ang isa pang kuwentong nasagap namin, nagpaparamdam na raw si influential personality (IP) sa isang napakaganda at sexy star na dati ring na-link sa kanya. Pero tumanggi na raw itong si sexy star at dumistansya na kay IP dahil ayaw na raw niya nang magulo, at pinag-uusapan.
‘Yun pala, itong si magandang sexy star ay may super yaman at bigtime na dyowa.
Dedma na nga si sexy star sa paggawa ng sexy movies dahil panay ang travel kasama ang bigtime na dyowa.
Kaya kahit influential ang sumusuyo sa kanya ulit, mas type niya ang tahimik lang, pero super yaman naman at nasusunod ang luho niya.
Eric, biglang nagkaroon ng 30 na anak!
Parang wala sa isip ni Eric Quizon na magma-manage pala siya ng mga baguhang artista.
Bilang head ng Star Center ng Net 25, tumutuklas sila ng mga bagong mukha na pinag-training nila bago isalang sa shows na gagawin nila. “Kaya naitayo ‘yung Star Center is because, apart from building home grown talents, meron kasing mga show na gagawin na youth-oriented. So, we were thinking na since mahirap manghiram ng mga artista, so it’s better na merong sariling talents. Parang you went to school,” pakli ni direk Eric nang nakatsikahan namin sa nakaraang celebrity premiere ng pelikulang Monday First Screening na prinodyus ng Net 25.
Puspusan ang training nila hanggang Sept. 15, at isasalang na raw nila ito sa shows na gagawin ng network.
Nakakontrata raw ang mga bata sa Star Center, pero hindi naman daw sila exclusive sa naturang network. Puwede naman daw silang kumuha ng trabaho sa ibang network. “Hindi lang acting workshop, lahat. Voice, dance, speech, personality, styling, makeup, lahat. So, para ‘pag nasa ano na sila, pag nagtatrabaho na, well-equipped sila. ‘Yun basically ‘yung gusto naming ma-achieve.
“We allow them to work outside, because we want them to grow.
“Kasi kung magbibigay kami ng exclusivity, tapos wala naman kaming maibibigay na show.
“However, may plano naman talaga kami gumawa ng shows para sa mga bata. Pero ang ano ko talaga, it’s better na they’ll grow better kung lalabas sila,” sabi pa ni direk Eric.
Challenge raw sa kanya itong ginagawa niya bilang head ng Star Center.
“Wala naman akong background sa pag-aalaga ng mga artista, pero... well, it is more ako I consider it more of mentoring more than anything else. It’s more of like imparting your knowledge or what you’ve learned and maybe train all these kids to their potential.
“Challenging siya. Parang all of a sudden bigla akong nagkaroon ng 30 na anak ‘no? Parang ganun ‘yung nangyari.
“Pero, you know seeing these kids grow and mature and become the best version of themselves, parang okay na ako dun. Masaya na ako dun,” saad pa ng anak ng namayapang Comedy King na si Dolphy.
Dagdag pang challenge raw sa kanya itong gagawin nilang youth-oriented show na ibibigay nila sa mga nai-train nilang mga bata.
Musical show daw ito na pambagets na tatampukan ng mga bagong talents na nai-train nila.
- Latest