Bf ni Nadine, naintriga sa Fil-German girl na laging kasama sa Siargao

Nadine Lustre at Christophe Bariou

Sinagot ni Nadine Lustre ang nagmamalisya sa boyfriend niyang si Christophe Bariou at isang Fil/German girl na nakatira na sa Siargao.

Ayon sa nang-intrigang follower ng actress, ginagamit diumano ng BF ni Nadine at ng nasabing girl ang Jeep ng actress habang andito sa Manila si Nadine “‘you’ve been always with her surfing, eating and skating,we just wondering why you always spend time with her while Nadine is in manila’ We just hope di mo niloloko si Nadine mataas pa naman respeto namin sa ito,” pang-iintriga ng isang follower.

Mabilis ang sagot ng actress : “stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama. 2023 na, gawa nalang tayong vegan cheese,” nabanggit ang vegan cheese dahil ito ‘yung post ng BF niya na nagkaroon ng iba’t ibang komento.

May isa pang nag-comment ng “@nadine sana nads di siya kagaya kay james na manloloko ayaw naming makitang niloloko ka at sinasaktan  Same before lagi mong pinagtanggol pero niloloko ka pa rin.”

“how rude and offensive. lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean Im cheating. Di ba siya pwedeng magka friends na girls? Di ko kaya yung backwards mentality mo teh. It’s giving pre pandemic,” sagot ulit ng actress.

May-ari ng isang boutique hotel sa Siargao ang karelasyon ng aktres.

Show comments