Jeremy G, excited na masilayan muli ang minamahal

Jeremy G

Tungkol sa paghihintay at pagnanais na muling masilayan ang minamahal ang bagong kanta ng Kapamilya singer-songwriter na si Jeremy G na Pabalik mula sa Star Music.

“‘Pabalik’ gives me the feeling of going back to school! Especially with this song being released during the time when students are going back to school. Going back to a new school year and seeing your crush again after a long time,” ani Jeremy.

Ang dance pop track ay prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo habang isinulat naman ito ni Kiko Salazar.

Kwento pa ni Jeremy, karamihan sa kanyang mga awiting isinulat ay nagmumula mismo sa kanyang personal na karanasan at emosyon.

“Music for me is basically an outlet for all of my emotions. Whatever I feel or whatever I experience I feel could be the right motivation for me to write music,” saad niya pa.

Noong nakaraang taon, inilabas din ni Jeremy ang self-composed at self-produced single niyang Someday na bahagi ng kanyang debut EP na Maybe Forever.

Chinese music, naririnig na rin sa department store

Aw pati sa department store, Chinese music na ang pini-play.

Para tuloy nasa ibang bansa ka habang namimili sa nasabing department store.

Kahit ang mga sales assistant ay nagugulat though sinabi naman daw sa kanilang may particular time lang ito.

Ang malamang na tinutuloy nila ay ang ghost month na pinaniniwalaan ng mga Chinese.

Ganunpaman, kawawa pa rin ang mga Pinoy artist na kahit hindi naman ghost month ay hindi na rin naman gaanong naririnig kahit sa local radio stations pa.

Sa department store pa ba?

GMA Network, umaariba sa TikTok

Hindi lang sa TV ratings naghahari ang GMA dahil namamayagpag din ito sa iba’t ibang digital platforms gaya ng TikTok na tambayan ngayon ng maraming Gen Z.

Batay sa datos ng TikToktainment, ang official TikTok account ng GMA na @gmanetwork ang nanguna sa may pinakamaraming content views sa lahat ng entertainment creators sa bansa nitong July.

Pumalo sa 298.3 million views ang naitala ng @gmanetwork para sa nasabing buwan.

Dahil sa witty captions, nakakaaliw na choice of clips, at very timely posting, patok na patok sa TikTok users ang mga content nito.

Ilan sa mga most viewed video ay ang trending clips ng Abot-Kamay na Pangarap, Voltes: V Legacy, Royal Blood, at Magandang Dilag.

Show comments