Simula August 25 ay mapapanood na sa pamamagitan ng Vivamax ang pelikulang Sugapa na pinagbibidahan nina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Halos isang taong nagpahinga mula sa trabaho ang sexy actress upang tapusin ang high school. Ayon kay AJ ay talagang hinahanap-hanap niya rin ang pagiging aktres habang nag-aaral. “Na-miss ko po ‘yung acting. Marami po akong nagawa, nag-graduate po ako at saka marami rin po akong inaral na bago,” bungad ni AJ.
Matatandaang unang nagkatrabaho sina AJ at Aljur sa pelikulang Nerisa noong 2021. Para sa aktres ay malaki ang pagkakaiba ng kanilang turingan ni Aljur ngayon kumpara noong una silang nagkatrabaho. “Sa Nerisa po magkuya lang naman ‘yung roles namin. Saka magkuya rin naman talaga kami that time. Dito naman, sa mga love scene may awkwardness. Actually, hindi naman mawawala ‘yung awkwardness sa lahat ng love scenes, kahit sino ang kasama mo,” paliwanag ng dalaga.
Habang ginagawa ang maseselang eksena nina AJ at Aljur ay naranasan daw ng mga ito na masigawan ng direktor. Malaking bagay para sa aktres na magkasintahan sila ni Aljur kaya mas kumportable na ngayon. “Naging comfortable lang ako dito kasi si AJ (palayaw ni Aljur) ‘yung partner ko. Imagine, habang nagla-love scene kami, nandiyan ‘yung direktor, sinisigawan kami. Comfy kami kasi wala ng walls sa amin, sa isa’t isa. ‘Yung feelings namin, nailalabas namin kung ano ‘yung totoo,” pagbabahagi ng aktres.
Ronnie, ayaw magkaroon ng regret
Napapanood na ngayon sa YouTube channel ni Ronnie Liang ang official lyric video ng kantang Ngayon at Kailanman. Bata pa lamang ay talagang iniidolo na raw ni Ronnie ang orihinal na kumanta nitong si Basil Valdez. “I am a fan of sir Basil Valdez and I usually sing that song in my shows and concerts. Matagal ko nang pangarap mag-record ang magkaroon ng version of this classic OPM song. I would like to thank the publishing company for the honor and privilege to be given the license and permit to record and release this song in all online music stores worldwide,” nakangiting pahayag ni Ronnie.
Bukod sa pagiging singer ay aktibo rin si Ronnie sa pagiging army reservist at private pilot. Tumutulong din ang singer sa mga batang mayroong cleft lip at cleft palate sa pamamagitan ng kanyang foundation na nagsimula noong isang taon. “The proceeds of all my produced music, royalties and sales on all digital platforms worldwide will be donated to the Ronnie Liang Project Ngiti Foundation that provides assistance to children to have free surgery,” paglalahad ng binata.
Maraming mga bagay ang natutunan ni Ronnie sa mga nakalipas na taon na mayroon tayong kinakaharap na pandemya. “Life is too short and we actors/performers and artists are so vulnerable. We need to prepare for the inevitable and by the grace of God, we will accomplish our goals in life. Right now, time is our challenge. We need to prepare while there are still time, opportunity and strength to achieve anything and everything we want in life without having any regrets,” makahulugang pahayag ng singer. — Reports from JCC