Liza, noon pa insecure sa kanyang katawan!

Liza Soberano at Dra. Vicki Belo

Bongga, nag iinvite si Dra. Vicki Belo na mag-lunch kami nina Salve, Gorgy Rula, at Pat-P. Daza.

Pero hindi naman maka­singit sa very busy skeds niya sa ngayon dahil la­ging out of the country dahil sa napakaraming seminar na kailangang daluhan.

Hindi na nga siguro kayang talunin pa ng ibang cosmetic doctors si Dra. Vicki dahil trademark na ang pangalan Belo sa larangan ng pagpapaganda.

Karaniwan mo nang maririnig ang salitang ‘pag gusto mong gumanda magpa-Belo ka.

Parang lahat yata nang gustong magpa-enhance o meron procedure na gustong ipagawa, sure sa Belo pupunta.

Nadagdag pa sa premium ng Belo kay Dr. Hayden Kho kaya mas lalo pang lumakas ang beauty clinic nila.

Pero siyempre bukod sa pagpo-promote ng Belo Medical Group na hanggang sa probinsya ay meron na ring branches, pinagkakaabalahan din ni Dr. Vicki ang pagba-vlog.

Imagine sa kanyang vlog inamin ni Liza Soberano na ang greatest insecurity niya ay ang size ng kanyang katawan.

Sabi nga ni Liza, fluctuating ang kanyang weight kaya ‘pag nagkalaman siya ng konti, pinapansin kaagad siya.

Pero ang importante sabi naman ni Liza ay healthy siya.

Totoo naman walang pakialam ang ibang tao kung anong weight mo.

Importante mabuti kang tao at wala kang inaapakan.

Show comments