^

PSN Showbiz

Jolo natupad ang wish na babaeng anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jolo natupad ang wish na babaeng anak
Cavite Rep. Jolo Revilla at Angelica Alita

Hindi napigilang maluha ng Cavite Rep. Jolo Revilla nang i-reveal na baby girl ang ipinagbubuntis ng asawa niyang si Angelica Alita.

Bago umere ang finale episode ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, namigay muna nang papremyo si Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook followers.

At itinuloy nila ‘yun sa gender reveal party ng mag-asawang Cong. Jolo at Angel Revilla.

Magkaiba ang hula nina Sen. Bong at Cong. Lani sa gender ng magiging apo nila.

Nasa team boy si Sen. Bong at team girl naman si Cong. Lani at mas marami raw silang nasa team girl dahil tingin daw nila girl ang ipinagbubuntis ng kanilang manugang.

Sabi naman ni Sen. Bong happy silang lahat basta ang mahalaga ay healthy lang ito.

Nang na-reveal na girl ito, ang da­ming natuwa at napaluha talaga si Cong. Jolo dahil sabi nga ng kapatid niyang si Loudete, baby girl daw talaga ang gusto ng kapatid.

“Sa totoo lang, sa amin ka­sing magkakapatid, ako kasi ang nagbaban­tay lagi sa mga kapatid ko, lalo na sa mga boyfriend nila.

“So, ako talaga yung pinaka-istrikto sa kanila. Alam naman nila iyun. Pero siyempre, very supportive naman ako sa kanila ngayon,” pahayag ni Jolo.

Mensahe naman ni Rep. Lani : “Bagay talaga na girl. Kasi may boy na, may girl pa. So, may partner na si Gab. And I’m sure Gab will be a very good kuya. “I-enjoy nyo ang mga anak n’yo. I’m sure si Jolo, napakahilig niya sa babies, eto si Angel, first time Mommy. So, good luck to both of you. Nandito lang kami kung gusto n’yo pasahan ng apo, at gusto nyong gumawa ng isa pang apo.”

Sabi naman ni Sen. Bong; “I’m happy for both of them. Importante, may boy ka na, may girl pa. Napaka-sweet ng babae. Maski ako, malambing sa babae talaga yung babae e.”

Tiyak daw na magiging istrikto si Cong. Jolo sa kanyang anak na babae.

“Sa mga kapatid niya, puting tenga na yan e.

“Ibig sabihin ng puting tenga, yung talagang sila yung nagbabantay e. Lalo na to, tatay ka pa,” sabi pa ng senador.

Naka-text ko naman si Angel kahapon at tuloy pa rin daw ang paglilihi niya na nasa 4th month na ang kanyang pagbubuntis.

Ang daming natawa sa isang IG post ni Cong. Jolo na kinukulit siya ni Angel na gusto nitong kumain ng suman. Maghatinggabi na nun at wala nga naman silang mahanap na suman balinghoy sa ganung oras.

Kinabukasan ay nagpahanap na si Cong. Jolo ng suman, at hanggang ngayon sabi ni Angel, tuluy-tuloy pa rin daw ang nagpapadala ng suman balinghoy sa kanya.

Joey ayaw tantanan ang EB

Samu’t-sari na ang opinyon sa isyu ngayon ng Eat Bulaga at E.A.T.

Panay ang patama ni Joey de Leon na ipinu-post sa kanyang Instagram account.

Ang isa sa huling IG post ni Tito Joey ay ang nasa caption nito na; “G na Gitle (Genuine na Legit).

“Dehins Gedtali (Hindi Tagilid).”

Ang daming netizens na bumilib sa mga naiisip ng E.A.T. host.

Ang taba raw ng utak.

Hiningan ko ng reaksyon diyan si Isko Moreno, pero hindi pa niya ako nasagot as of presstime.

May nagtatanong din bakit daw ang hilig ni Tito Joey magparinig.

Kaagad namang ipinagtanggol ng iba na hindi lang daw nila naintindihan ang pagka-witty ng EAT host.

Ito pa rin ang ilan sa napapag-usapan tuwing nakakapanayam si Paolo Contis, at ang hiling nito ay sana matapos na raw ito at maging okay na ang lahat.

“I mean...sana mag-enjoy na lang tayo. Bago ngayon, tatlo yung noontime show di ba? Mas marami tayong natutulungan, mas maraming nai-entertain,” pahayag ni Paolo sa isang interview.

ACTOR

EAT BULAGA

JOLO REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with