Nanette, ‘di nakakalimot
Touched na touched ako kay Nanette Medved.
Imagine n’yo na pagdating niya galing sa abroad una niya akong tinawagan para kumustahin.
Talagang hindi ko ma-imagine na ganun katindi pa rin ang pagmamahal niya sa akin. Sa lahat ng alaga ko, siya pa naman ang hindi ko masyadong naasikaso dahil ang totoo, ang mga alaga kong babae parang insecure sa kanya at takot agawin ang mga asawa nila, hah hah hah.
Kasi nga that time si Nanette Medved ang epitome ng sexiness dahil sa kanyang Darna costume na siya yata ang pinaka-sexy na nagdala.
Hindi ko na nga inaasahan na makikipag-communicate pa si Nanette Medved dahil hindi na showbiz ang daigdig niya. Pero tingnan n’yo, love pa rin niya ako. Kaya nga talagang abot sa langit ang thank you ko sa mga alaga ko mahal na mahal ako. Salamat talaga, bongga.
Scarlet, binabantayan na rin ang bawat galaw!
Cute na cute ako kay Dr. Hayden Kho at Scarlet habang nagkukulitan sa pagkain ng cake at pagsasayaw.
Kitang-kita ang closeness ng mag-ama kaya naman very happy si Dra. Vicki Belo na kitang-kita ang fatherly love ni Hayden kay Scarlet na habang lumalaki nagiging kamukha lalo ng father niyang si Hayden.
Isang celebrity child si Scarlet kaya parang artista rin na bawat galaw nakabalita. Ano mang gawin, news, kaya nga bongga ang Scarlet na lahat ng galaw nalalaman ng tao.
Buti na lang nga at talagang mula pa noon very friendly na si Scarlet kaya naman walang problema. Sana nga ay lumaki itong tulad ng parents niyang sina Dr. Hayden at Dra. Vicki mabait at malapit sa mga tao. Bonggang bata talaga.
- Latest