Mas gusto pa rin ang amoy ng print mag...
Super hot momma pa rin si Anne Curtis.
Nainitan yata kasi ang mag-inang Anne at Dahlia kaya nagtatampisaw sila sa beach ngayong long weekend.
Samantala, aminado si Anne na iba pa rin ang feel and smell ng print magazine.
Ito ay matapos siyang ma-feature sa Vogue Korea na pinasalamatan niya sa isang post.
“@voguekorea thank you so much for the special feature as a-list beauty and fashion crew in your August APAC issue. represent. Proudly alongside fellow Filipinas who love the field and craft of art, culture, fashion and beauty! I still love the feel and smell of opening a magazine. Iba pa rin. And hey how gorge is Jhun Ji Hyun on the cover.”
True naman, kahit anong mangyari, iba pa rin ang may print copy at hindi digital lang na sa cellphone / tablet lang makikita.
Parang iilan na lang ang glossy magazine sa bansa na may print copies na ang iba pa ay may advertising deal bago i-feature ang ibang celebrity. ‘Yup, almost a million daw ang package para sa cover ng ibang celebrity.