Ewan ko kung bakit ganun ako kamahal ng mga alaga ko. Kahit ako nagugulat sa strong ties that binded us.
Isa yata ako sa pinakatamad na manager. At isa ako sa happy go lucky type of handler.
Siguro lahat inggit na hindi ako iniwan ng mga alaga ko kahit noon na talagang ako na yata ang kontrabida ng bayan dahil sa ginawa kong scam.
Amazing para sa akin ‘yung total respect at trust na binibigay nila sa akin.
Kahit hindi kami laging magkasama, hindi regular na nag-uusap, hindi tuluy-tuloy ang communication. Siguro nga ‘pag build on trust at respect, matibay ang bond.
More than a mother pa nga ang love nila sa akin. Except siguro sa malikot na utak ng isa kong alaga, never naisip kahit sino sa kanila na mag-iba ng manager.
For that I am totally grateful. Iyon lang ipinakita nilang trust sapat na sa akin at talagang hindi ko malilimutan.
I maybe sick, hindi na masyado active, pero sure ako na mas marami pa rin akong koneksiyon.
Ka Tunying at Rossel, todong magmahal
Hanggang ngayon talagang hindi ko pa rin talaga malimutan ‘yung kabaitan nina Ka Tunying at Rossel Taberna. Talagang mula nang magkasakit ako hanggang ngayon walang patid ang padala nila ng comfort food na champorado at macaroni soup.
At talagang hindi iyon napuputol kahit holiday, umuulan at bumabaha. Kaya naman tuwing mapapanood ko si Ka Tunying Taberna talagang gusto kong mag-shout out ng thank you. Wala talaga akong masabi, kahit sandali lang kaming nag-meet nina Ka Tunying at Rossel talagang ipinadama nila ang kanilang pagmamahal sa akin.