Para naman naawa ako kay Jay Sonza. Hindi ba nakakaawa na sa dati niyang kinalalagyan, ganyan ang magiging ending niya, sa kulungan.
Wala akong puwedeng ireklamo kay Jay Sonza dahil naging mabait siya sa akin noon, sana naman matulungan siya ng mga dati niyang kasama at kaibigan na puwedeng tumulong para maayos ang anumang gusot na napasukan niya.
Sayang talaga ‘pag sa ganito lang mapupunta ang buhay mo. Lalo pa nga at ang ganda ng umpisa mo. Ipagdasal nating maayos pa ang buhay niya at kung puwede pang mabalik sa naiwan niyang career. Sayang talaga, parang itinapon mo ang buhay mo na ang ganda na sana.
Fashion show ng mga pulitiko, inintriga!
Umiral na naman ang pagiging reklamador natin. Isang fashion show ni Michael Leyva na siguro naisip niya na hindi naman makakasira o makakaapekto sa anuman, heto center na naman ng kung anu-anong criticism.
Fashion show lang iyan, tiyak na gusto lang makita ni Michael Leyva bilang designer ang kanyang mga gawa. So what kung nag-model ang ilang government official o politician.
Ano naman ang magiging epekto nito sa ekonomiya?
Kahit siguro mag-fashion show ka twice a day, wala nang mababago pa sa buhay mo kung ‘di ka kumikilos para maayos ito.
Karamihan naman sa mga reklamador ‘yung walang ginagawa sa buhay nila para maayos ito.
Kung masipag ka at matiyaga, puwede kang maging richest Filipino gaya ni Sen. Manny Villar.
Ganun na lang ang gayahin natin, ang sipag at tiyaga ng boss ni Avec Amarillo, yayaman pa tayo. ‘Pag pulos reklamo, waley, nganga tayo. Basta sumunod tayo sa gustong palakad ng ibinotong presidente, mas mabuti pa.