^

PSN Showbiz

Stell ng SB19, ‘ di makapaniwala na coach sa The Voice generations Dingdong, nagkaroon ng overlapping sa sked

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Stell ng SB19, ‘ di makapaniwala na coach sa The Voice generations Dingdong, nagkaroon ng overlapping sa sked
The Voice

Mapapanood na ang pinakabagong spin-off ng pinakamalaking music competition sa mundo, ang The Voice Generations, sa GMA umpisa ngayong Agosto 27.

Ang Voice Generations ay showcase ng boses at puso na first time sa Asia though may ibang mga The Voice na pero ito ay iba dahil ‘generations.’

Hosting The Voice Generations is no less than Dingdong Dantes.

Aminado si Dingdong na nagkaroon ng overlaps sa kanyang mga ginagawa.  “Well, with regards to, ‘yung schedule, I’m sure hindi naman din siguro  first time na ganun mangyayari na may overlaps kasi matagal na pong naplano itong show na ito at baka siguro nagkataon lang na magkakaroon ng overlaps but nevertheless, sa tingin ko po kasi iba-iba po yung gina­gampanan ko ring roles,” pag-amin ng actor/TV host.

Katwiran niya pa “Halimbawa sa TV, I bring to life... sa Ama­zing Earth pa rin. Dito while ‘yung job title ko ay host, sa tingin ko very interesting ito for me since hindi naman talaga ako singer although I appreciate music just like the rest of the whole Filipino population.”

Dagdag pa ni Dong : “Kultura po talaga natin ang ibigin ang musika in whatever shape or form. I consider myself as, kumbaga, the first audience ng nangyayari rito sa mga guest kasi nakikita ko po ang mga nangyayari backstage.

“Nakakausap ko ‘yung relatives, nakakausap ko ‘yung mismong contestants, so dun pa lang I get to have a deeper understanding kung bakit sila sumasali and therefore I touch on the human side of why they do this and seeing them onstage, ako rin yung isa sa mga unang nakakapanood ng kanilang performance.

“Not just the performance of the talents but also the performance and the chemistry and camaraderie of our coaches kasi namamangha ako sa kanilang interaction na para talagang that in itself is already a show especially recognizing their individual strengths and talents. ‘Pag nag-uusap na sila at nagbalitaktakan at syempre ‘pag dumating na ‘yung part na nag-a-advise na sila roon sa talents, para sa akin hinto po yon at makita po ‘yon weekly is really something that I really would not pass on,”  mahaba niyang paliwanag sa bagong task kumbaga.

Kaya’t perfect choice ang Kapuso Primetime King bilang front ng GMA’s production of the world’s biggest singing contest title with his expertise in hosting -- navigating the happy, but sometimes heartbrea­king journeys of the talents in the competition.

Sinisimulan ng palabas sa kapana-panabik na bahagi ng kompetisyon sa pag-awit : ang Blind Auditions kung saan ang ilan sa pinakamahuhusay na singing duo sa bansa at mga grupo na may mga miyembro mula sa iba’t ibang henerasyon try their best to be chosen among thousands of aspiring singers.

Asahan ang competitive spirit of the talents to run high as they bring their ‘A game’ to the stage upang magpa-impress sa coaches and make them turn their seats as a signal that the coach has chosen them.

If more than one coach turns, then the contestants get to choose which coach they want to work with.

The competition between coaches also begins, with each coach fighting to get their preferred talents on their team.

At ang coaches na maghahasa sa kanilang husay ay ang award-winning international singer, dancer, and host Billy Crawford; multi-awarded and best-selling recording artist and Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose; lead singer and choreographer of the world’s well-loved P-pop boy group SB19’s Stell; and Filipino rockstar and lead singer of Parokya Ni Edgar Chito Miranda.

At kumbaga si Stell ang pinakabata sa mga coach.

Kaya naman, natulala siya nang malamang magiging coach siya.

“’The Voice ‘to ah, ‘yung chair na iikot.’ Sabi ko, ‘Ah The Voice ‘to, ‘yung iikot yung chair?’ Sabi niya, ‘Yes,’ sabi ko, ‘Weh?’ Ganun ‘yung reaction ko, parang ‘Ako? like The Voice magiging coach or mag-o-audition ako?’ Ganun pa ‘yung sabi ko, eh. Sabi niya, ‘Hindi. Coach ka.’ Wala, natulala po ako for two days,” pag-amin nito sa ginanap na mediaconference kamakailan.

“And nung sinabi po nung management namin sa members ko, sabi po nila ‘kunin mo na. Hindi na namin alam sasabihin sa ‘yo pag hindi mo pa kinuha yan.’ Kasi to be honest po, sobrang mapili po ako talaga sa kung anong project ‘yung kukunin ko.”

Pero wala raw namang naging problema sa mga kasama niya sa SB19 na sa kasalukuyan ay massive hanggang abroad ang kasikatan.

“And napapansin po kasi nung mga tao ‘yung other members ko po like nagri-release na po sila ng solo songs nila, may solo projects sila and ako po yung wala pa kasi mas iniisip ko na aantayin ko ‘yung tamang time for me, ‘yung tamang project na feeling ko don ko maipapakita kung sino ako. And happy po ako na ako ‘yung napili ng The Voice Generations para maging part ng coaches dahil na-feel ko po and na-feel po ng buong management and ng group ko na para po ako rito. So happy po ako and happy po sila for me. Kaya thankful po ako sa inyo.”

Anyway, kapag kumpleto na ang kanilang mga koponan, dadaan ang bawat grupo sa mga knock-out at sing-off sa kanilang laban upang maging kauna-unahang The Voice Generations champion sa Asia.

Mapapanood ito every Sunday, umpisa sa Aug. 27.

SINGER

THE VOICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with