^

PSN Showbiz

Pinoy dancers na lumaban sa World Hiphop, tinulungan ng mga pinoy sa Arizona

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pinoy dancers na lumaban sa World Hiphop, tinulungan ng mga pinoy sa Arizona
Alexis
STAR/ File

Sobrang proud ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde sa achivement ng anak nilang si Gela na kasama sa grupong UP Streetdance at Legit Status na lumaban sa katatapos lang na World Hiphop Dance Championship na ginanap sa Phoenix, Arizona kamakailan lang.

Ang UP Streetdance ay nakakuha ng bronze medal, at ang Legit Status ay nakapag-gold at ang HQ ay naka-gold din sa adult division.

Lumaban ang mga kabataang Pinoy sa naturang world competition sa 54 na bansa na karamihan ay napakagaling.

Nakatsikahan namin ang isa pang member ng Legit Status na isang La Salle student na si Alexis Nickole Enciso.

Matindi raw ang laban na ‘yun, pero malaking bagay ang suporta ng pamilya. Suportado nila ang laban ng mga bata na dumaan sa ilang rounds bago nila nakuha ang championship.

At sinuportahan din sila ng kababayan natin doon sa Arizona.

Pumunta kasi ang grupong ito sa Amerika na walang sumagot ng pamasahe at iba pang gastusin.

Nag-fundraising lang sila para sa pamasahe ng ibang batang hindi kayang bumili ng ticket pa-Amerika.

Pero pagdating ng Arizona, ay kapos na ang budget para sa kanilang accommodation.

Masuwerte ang ibang batang kayang mag-book sa hotel, pero ang iba ay naki-hotel na lang at ang iba ay tinulungan doon ng mga kababayan natin sa Arizona.

Isa sa all-out ang tulong ay ang dating aktor na si Ihman Esturco na nag-offer sa ibang mga kababayan natin doon na sa kanila na tumira.

Nagsama-sama nga ang mga kababayan natin doon sa Arizona na mabigyan ng maayos na matitirhan ang ibang dancers.

Bukod pa riyan, nagluluto pa sila ng ibabaon ng mga bata sa araw-araw na rehearsal. Kaya naging magaan sa mga bata na lumaban sa ganung competition dahil sa suporta ng mga kababayan natin.

“Malaking bagay pa rin ‘yung may pagkain sila mula breakfast hanggang dinner meron sila.
“Grabe talaga ‘yung support system.

“Hanggang sa dumating na ‘yung sitwasyon na tumambak na ‘yung pagkain.

“Pinakain namin sila ng Jollibee, nakakatuwa. 
Galing kayo ng Pilipinas, parang hindi kayo nakakain sa Jollibee,” natatawang kuwento ni Ihman sa amin.

Ang sarap naman daw tulungan ng mga kabataang ito dahil sa nakikita raw talaga sa kanila ang pagpupurisige nila na makuha nila ang championship.
“Alam mo kung saan sila nagri-rehearse, sa open court na pagkainit init, lalo dito sa Arizona. Kasi ganun ang training nila. Saka ‘yung energy nila na ewan ko parang mga machine sila,” bulalas pa ni Ihman.

Natanong na rin namin through text ang isang member ng Legit Status na si Alexis at talagang sobra raw nilang na-appreciate ang mga tulong ng mga kababayan natin doon.

Ani Alexis, “I was really glad to see the Filipino community in Arizona being very supportive of all the Philippine teams that qualified for Worlds. Most especially the Filipinos that helped in sponsoring some of our meals, they made sure to provide us with good food and snacks to get us through the competition stretch.”

Kaya sobrang tuwa ng mga Pinoy doon na nakuha ng mga kabataang ito ang championship.

Kasali rin pala ang anak ni Joshua Zamora na si Javen.

Tinulungan din ito ni Ihman dahil sa nagka-injury raw ito nung sa elimination pa lang.

Itong si Javen ay member ng HQ na grupo na nakakuha rin ng gold sa adult division.

Sana, mabigyan din ng tamang pagkilala ang mga kabataang ito na nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng pagsayaw.

Kung binibigyan ng gobyerno ang athletes natin na lumalaban sa Olympics o kaya sa SEA Games, sana bigyan din ng atensyon ng ating gobyerno.

Bong pinaghahandaan ang 50th anniversary

Malaking selebrasyon ang pinaghahandaan ni Sen. Bong Revilla dahil isasabay niya ang pagdiriwang ng kanyang 50th anniversary sa showbiz.

Inaayos na ngayon ang paghahanda sa malaking selebrasyong ito na parang collaboration uli ng ABS-CBN at GMA 7.

Tutulong kasi ang ABS-CBN dito para mabuo ang magandang selebrasyon ng kanyang pagdiriwang ng 50th anniversary sa showbiz.

Inaayos ang pagsasama ng mga nakatrabaho niya sa pelikula mula sa mga artista, hanggang sa direktor at producer.

Tamang-tama rin na matatapos na ang first season ng action-comedy niyang programa sa GMA 7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Isang linggo na lang ay finale na nito, at kagabi ay guest si Cong. Lani Mercado kasama si Sen. Bato dela Rosa.

Itong selebrasyon ni Sen. Bong ng kanyang 50th anniversary sa showbiz, at 57th birthday ay pasasalamat na rin sa Panginoon sa lahat na biyayang natamo niya kahit dumaan din sa mga matinding pagsubok.

SYLVIA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with