^

PSN Showbiz

Carla pinatawad na si Tom!

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Carla pinatawad na si Tom!
Carla
STAR/ File

Ibinahagi ni Carla Abellana sa social media ang isa sa ‘hardest lessons’ na natutunan niya sa buhay.

Nag-post siya ng isang video clip ng kanyang sarili habang sinasabi ito, “One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry.” Isang light bulb lang ang kanyang caption sa post na ito.

Lutang ang ganda ng aktres sa kanyang video. Siguro nga napatawad na niya ang nagkasala sa kanya upang mawala na ang bigat nito na kanyang dinadala.

Inulan naman siya ng suporta mula sa mga kaibigan at netizens. Marami ang naka-relate at sumang-ayon sa kanya.

Mula nang maghiwalay sila ng ex-husband na si Tom Rodriguez ay nagpo-post siya tungkol sa kanyang healing at self-love journey.

Annette,nilabas ang fun side

Parang very busy ngayon sa kanyang bagong career si Ms. Annette Gozon Valdes. Iyon bang ngayon lang nakita ng tao ang fun side ni Ms. Annette na akala mo very serious dahil nga corporate ang posisyon niya.

Ngayon nakikita na puwede siyang makipagsabayan sa biruan, kantahan, konting sayawan dahil nga sa madalas na ang TV exposure niya. Cute para sa amin dahil at least nakikita ng public na puwede palang maging fun person ang isang top executive.

Sige, Ms. Annette, go have fun, enjoy. Your life, your rules. Bongga.

CARLA ABELLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with