Sa pagpirma ni Darren Espanto ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan ay natupad daw ang isa sa mga pangarap ng singer.
Nagsimulang makilala si Darren noong 2014 sa The Voice Kids kung saan si Lyca Gairanod ang naging grand champion. “I’ve been with ABS-CBN for almost 10 years now. Tapos first network contract ko. It’s really a dream come true. Kasi bata pa lang ako, nakikita ko ‘yung mga artista na nasa news articles ng ABS-CBN. Nakikita ko po no’ng bata ako na pumipirma sila. Tapos ngayon isa na ako sa mga artist na ‘yon. It feels surreal to me,” nakangiting pahayag ni Darren.
Kahit walang network contract sa nakalipas na dekada ay hindi naman umano napaisip ang singer na lisanin ang bakuran ng ABS-CBN. “Wala naman po akong times na napaisip na bakit wala akong network contract pero Star Magic artist naman po ako. So I’m technically with ABS-CBN na rin through that. I understand kasi hindi rin naman po ako ‘yung tipong umaarte talaga regularly. Also, the way we are treated here in ABS-CBN, isang malaking pamilya po talaga kami dito with our bosses, our co-artists. I never really found a reason po to leave. But I do keep finding reasons to stay with ABS-CBN,” paliwanag niya.
Ayon kay Darren ay kailangang pakaabangan ng kanyang mga tagahanga ang gagawing proyekto sa mga susunod na buwan at taon. “What you can expect from me is more acting projects as well. This year meron din po akong movie with Ms. Vilma Santos and Sir Christopher de Leon. And ka-partner ko po do’n si Cassy Legaspi. So, it’s something that I never thought would be possible pero mangyayari na siya. It’s also a different side of Darren na makikita po nila do’n. That’s something that I’d like to work on more. Mag-acting classes pa,” pagbabahagi ng singer.
Epy, laging may kaba sa taping
Huling dalawang linggo na lamang ng teleseryeng Dirty Linen ng ABS-CBN.
Masayang-masaya si Epy Quizon dahil tumatak sa mga manonood ang kanyang karakter bilang si Ador na asawa ni Feliz na ginagampanan naman ni Angel Aquino. “Love-hate relationship ako sa mga manonood. May mga nakalagay pa roon, ‘Bakit hindi pa mamatay ‘yung Ador na ‘yan?’ ‘Bakit ang pangit ng asawa ni Angel?’” kwento ni Epy.
Aminado ang aktor na nakararamdam siya ng kaba sa tuwing dumadating sa taping. Dahil na rin daw ito sa lahat ng mga kasamahan sa serye na talaga namang kilalang magagaling na artista sa bansa. “Dina-dissect namin every scene with my co-actors. You have to be on your toes kasi mahihiya ka dahil sobrang gagaling ng mga kasama ko. Talagang pagdating mo roon kay konting kaba na may konting ‘Teka muna, kailangang sumabay ako.’ Ang gagaling, sina Tessie Tomas, John Arcilla, Janice de Belen. Even the young ones, sina Jennica (Garcia), Janine (Gutierrez), Christian (Bables). Hindi ka pwedeng mag-relax, kaeksena mo si Joel Torre. Like si Heneral (John) larger than life kapag kasama mo ‘yon kahit hindi nagte-take, heneral,” paglalahad ng aktor. — Reports from JCC