^

PSN Showbiz

Mga online business, nabubudol din!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Talagang na-addict na ako sa pag-order ng mga food na nakikita ko sa Instagram. ‘Yung iba, budol, ‘yung iba ok naman.

Isa lang requirement ko, ‘yung dapat payag sila na cash on delivery (COD).

Hindi ko naman masisi ‘yung iba na ayaw ng COD kasi nabubudol din sila madalas. Kaya naman ako dahil bobo sa mga money transfer, ‘yung payag lang sa COD ako puwede.

‘Yung Papa Kong noon ever favorite ko dahil sa Hainanese chicken nila.

Tapos now, love ko na ang Casa Ilustre dahil sa variation ng mga food nila.

Another fave ko iyon Purple Yam dahil number 1 ko ang ube.

Ngayon type ko naman Rafa chicken.

Bongga talaga ‘yung nandiyan na agad food mo at luto na dahil hindi ka na maghihintay sa niluluto ng kasama ko sa bahay na si Mel na kadalasan experimental dahil hindi naman siya talaga marunong magluto.

Kaya hit and miss ang mga menu niya, hah hah.

Kaya dahil mas madalas na ako sa bahay ngayon, talagang mas babad ako sa phone ko kaya naman left and right ang order ko ng kung anu-anong food.

Hay naku, hirap talaga ng buhay ng isang 76 years old na walang magawa.

Gabbi, maraming nadiskubre nang mag-solo sa japan!

Nag-solo trip pala kamakailan si Gabbi Garcia sa Japan.

Ibinahagi niya ang mga litrato niya sa Osaka kasama ang iconic Glico billboard sa kanyang background.

Inamin niyang nag-alala siya na bumiyahe mag-isa sa ibang bansa pero kakaiba raw talaga ang pakiramdam at ayon sa kanya ay “been an unexpectedly enlightening experience.”

Marami raw siyang kinatakutan pero nasorpresa raw siya dahil natulungan siya nito na madiskubre ang ibang parte tungkol sa kanyang sarili na hindi niya alam noon.

“However, reality has surprised me. Being on my own during this time has helped me discover parts of myself I didn’t know existed.”

Isa sa mahalagang bahagi raw ng pag-iisa ay ang self-discovery. Mas nakilala raw niya ang sarili dahil sa pag-sosolo travel.

Nagpasalamat din siya sa mga Korean girl na kumuha ng litrato niya at dahil daw sa mga ito ay nagkaroon siya ng decent photo.

Enjoy na enjoy raw talaga siya na nag-food crawl at nag-museum tour. At hindi raw ito ang huling beses na susubukan niya ito dahil siguradong uulitin daw niya ang adventure na ito.

BUSINESS

COD

GABBI GARCIA

JAPAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with