Sa Lunes ay haharap sa MTRCB ang taga-E.A.T. kaugnay sa isyung pagmura ni Wally Bayola sa naturang noontime show.
Pero sa tingin namin, malaking bagay ‘yung kaagad na humingi ng paumanhin si Wally at in-acknowledge ang pagkakamali.
Sabi nga ng isa sa board members na kaibigan naming Psychologist na si Dra. Ali Gui, hindi naman daw agad parurusahan. May mga konsiderasyon ding dapat na pag-uusapan. “Kasi hindi naman puwedeng ito ‘pag ginawa mo, pataw ng parusa diyan. Hindi. Pinag-aaralan din ng aming mga abogado, sila na ‘yun. Kung what is the best,” pakli ni Dra. Ali.
May ilan kasing bago pa napadalhan ng summon ay ilang beses nang may nagawang violation. “Tandaan natin, hindi lang isang beses na nagkamali sila, binibigyan namin ng parusa. Hindi sa isang beses po. May mga series na po. Kaya itong mga napapag-usapan natin ay may mga nauna na.
“Siguro hindi lang napag-usapan noon o na-hype sa media. Kasi nga talaga pinag-aaralan namin kung ano talaga ‘yung wasto, ang tama, at akma, at fair,” dagdag niyang pahayag.
Wala pang ibinigay si Dra. Ali na impormasyon kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon sa It’s Showtime.
Pinag-aaralan pa raw ng legal team at hintayin na lang kung ano ang ilalabas na desisyon ng naturang ahensya.
Si Dra. Ali Gui ay mas concern sa child protection kaya maingat sila mga niri-review nilang shows at pelikula. “Of course ako, I protected children, diyan ako pumapasok. Tinitingnan ko rin naman... is this will create inevitable behavior sa mga bata?
“Ibig sabihin... ‘di ba minsan tinitingnan natin, ‘di ba ‘pag batok-batok lang okay lang ‘di ba? Pero sa mga bata ‘pag mapanood ‘yan, lalaki sila na mahilig mambatok nang batok, akala nila tama ‘yun.
“I watch out for mga ganung behaviors and how it will affect children, and in the whole context of the movie o ‘yung niri-review namin, dun namin binabasehan ‘yan,” saad niya sa amin.
Kabaong ni JM, idinonate sa batang binaril sa navotas
Sandali rin naming nakatsikahan nung Biyernes sa Cinemalaya ang buong pamilya ni Elijah Canlas.
Nandun ang mga magulang nila para sumuporta sa pelikulang Huling Palabas na kung saan assistang director doon ang nakakatandang kapatid niyang si Jerome Canlas.
Nandun din ang girlfriend ng namayapa nilang kapatid na si JM Canlas.
Sabi nung girl na si Iya Villafuerte, dapat ay isi-celebrate raw nila ang 6th monthsary nila, pero wala na nga si JM. Kaya ang pamilya na lang nito ang nakakasama niya.
Sabi nga ni Elijah, idi-date na lang daw nila ang bagets dahil wala na si JM na makakasama nito.
Kuwento sa amin ng nanay ni JM, hindi pa rin daw sila umuuwi sa bahay nila dahil nari-remind lang sila sa kanyang namayapang anak.
Halos lahat daw na bahagi ng bahay ay nari-remind sila kay JM kaya balak nilang ipaayos muna ito.
Gusto rin nilang mag-seek ng help ng Psychologist dahil kailangan daw nilang may makakausap sa panahong ito.
Pagkatapos ng dalawang araw na burol sa cremains ni JM Canlas, inilibing na ito. At ang kabaong pala niyang hindi nagamit ay idinonate nila sa batang namayapa na si Jerhode ‘Jemboy’ Baltazar, 17 years old na taga-Navotas.
Siya ang napagkamalang binaril ng mga pulis na may operasyon sa isang barangay sa Navotas.
Dolly, biktima ng strike sa Hollywood
Isa sa abala rin sa Cinemalaya ay ang magaling na aktres na si Dolly de Leon. Kasali siya sa dalawang entries na Iti Mapukpukaw at ang Duyan ng Magiting.
Dapat ay naka-schedule na pala siyang lumipad ng Germany para i-shoot ang nine episodes ng Season 2 ng Nine Perfect Strangers. Pero may strike pa rin doon ang actors at writers sa Hollywood kaya nakatengga muna sila. “Puwedeng ma-move ‘yun nang ma-move hanggang matapos ‘yung strike,” pakli ni Dolly.
Kaya dito muna siya na abala sa pagsuporta sa Cinemalaya.
Tamang-tama rin na nakatakda na ang showing ng pelikulang A Very Good Girl nila ni Kathryn Bernardo sa Sept. 27.
Excited daw silang mapanood ng fans ni Kathryn itong pelikulang ito, dahil ibang-iba ito sa nagawa ng batang superstar.
Sa ngayon ay balak munang magbakasyon ni Dolly de Leon habang hinihintay na mag-resume sila ng trabaho sa Hollywood.
“Gusto ko munang mag-relax, parang mag-ano muna, huminga muna nang malalim,” tugon niya.