Sikat na c-drama /Chinovela, nasa ALLTV na!

ALLTV at latest execs
STAR / File

Dumarami na ang palabas sa AllTV ng Villar Group of Companies.

Dahil magsisimula na sa Lunes, Agosto 14, ang ipinagmamalaki ng Regent Foods Corp. na C-drama o Chinovelang Dahil Sa ’Yo.

Kuwento ito ng isang Chinese family na nasuong sa mga pagsubok sa yaman, katapatan, pag-aaruga, pagmamahal at pagtataksil.

“Very relatable at Pinoy na Pinoy,” komento ng mga taga-Regent na nakapanood sa bago nilang pinasok na ‘negosyo’ sa TV entertainment.

Kung nakilala natin ang Regent Foods sa masasarap nilang mga snack food gaya ng cakes, candies, delicacies at iba pang mga nabibili sa groceries na mga sitsirya, this time ay tinitiyak ng kumpanya na mas sasarap ang TV viewing habits dahil sa Chinese series.

Kamakailan nga lang ay nagpirmahan ng kontrata ang mga may-ari ng kumpanya at mga executive ng AllTV para sa pormal na pag-welcome nila sa Chinese serye.

Mapapanood ito simula ngayong Agosto 14, Lunes, sa ganap na ika-8 hanggang ika-9 ng gabi sa AllTV na nasa free TV Channel 2, Channel 35 sa SKYcable at Cignal at channel 31.4 DTT (kung ang gamit ay ABS-CBN TV plus, affordabox, sulitbox. etc).

Actually, lumalakas na ang Chinese drama. At ang gaganda rin ng mga kuwento nila, romance-comedy din tulad ng K-drama.

Show comments