Howie Severino, iimbestigahan ang pagpapatayo ng elevated expressway sa ‘Trip to Pasig’

Samahan si Howie Severino at ang I-Witness sa kanilang paglalakbay sa maganda at makasaysayang Ilog Pasig sa dokumentaryong Trip to Pasig,  ngayong Sabado (Aug. 12), 10:15 p.m. sa GMA.

Ang Pasig River ay tinuturing na isa sa pinakamahahalagang ilog sa bansa, kaya naman tutungo rito si Howie para alamin ang mga kontribusyon nito sa lungsod pati na rin ang mga nakaambang banta rito.

Sa dokumentaryo, mababalikan ng mga manonood ang nakaraan kung saan malaki ang naitutulong ng ilog sa komersyo ng Metro Manila dahil dito nakadepende ang kabuhayan ng maraming Piipino.

Kasunod ng mga rehabilitasyong ginawa sa Ilog Pasig, bibigyang-pansin ni Howie ang planong pagpapatayo ng elevated expressway na sasakupin ang buong ilog para makonekta ang mga siyudad ng Metro Manila at makatulong diumano sa problema ng traffic.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga residente, aalamin ni Howie ang kanilang saloobin sa proyekto. Kakapanayamin din niya ang mga opisyales na nagsusulong nito.

Samantala, maaaliw habang sinusubukan ni Howie at ng kanyang team ang isang libangang matagal nang ginagawa sa lungsod ng Pasig na mapapanood sa I-Witness ngayong Sabado, 10:15 p.m. sa GMA.

Show comments