John Lloyd, Best Actor sa Locarno Film Festival

John Lloyd
STAR/ File

Nasungkit ni John Lloyd Cruz ang Boccalino d’Oro (Golden Jug Award) para sa pinakamahusay na aktor (Best Actor) para sa kanyang pagganap sa pelikulang Essential Truths of the Lake ni Lav Diaz noong Biyernes ng hapon sa 76th Locarno Film Festival (LFF) sa Switzerland.

Kasama ni John Lloyd sa nasabing pelikula sina Hazel Orencio, Shaina Magdayao, Bart Guingona and Agot Isidro.

Ang Essential Truths of the Lake ay kuwento ng isang tao na sa harap ng madugong mga pagpaslang at walang kabuluhang kasinungalingan ng isang administrasyon ay ipinagpatuloy ang kanyang pakikibaka upang lutasin ang isang labinlimang taong gulang na kaso sa paligid ng isang punong-abo na tanawin at isang hindi maarok na lawa. Ito ay naging isang krus na halos hindi niya madala ngunit patuloy pa rin itong kinakaladkad.

Si John Lloyd ang second Filipino actor na nanalo ng Best Actor sa Locarno… nauna na ritong nanalo ng Best Actress si Hazel Orencio noong 2014 para sa pelikulang Mula sa Kung Ano ang Noon na obra rin ni Lav Diaz.

Show comments