Matapos ideklarang persona non grata sa Maynila
Di na makakaapak sa Maynila ang dating Drag Den Philippines contestant na si Pura Luka Vega.
Ito ay matapos siyang idineklarang persona non grata ng lungsod dahil sa kontrobersyal na Ama Namin (Our Father) performance.
Maalala ngang nag-trending ang video ng nasabing performance ni Pura Luka Vega habang nakausot siya ng pang-Santo.
Walang remorse sa kanyang ginawa base sa mga sagot niya sa X (Twitter) kahapon “Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me.”
Naging ordinaryo na sa kanya ang panggagaya sa mga sagradong bagay.
Nauna na siyang dineklara na persona non grata sa General Santos City in South Cotabato at Floridablanca in Pampanga at Toboso in Negros Occidental.
Grabe ang art, lagi na lang ‘yun ang kinakatwiran.