Chie, Anji, at Jake, solid kapamilya pa rin SHOW-MY

Anji Salvacion

Sunud-sunod ang pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Oo nga at wala silang franchise, pero hindi naman sila nawala at dumami pa ang reach dahil nasa mas marami na silang channel.

Kaya ngayon daw, bumabawi-bawi ang dating higanteng network na nawalan ng franchise sa panahon ng dating administrasyon.

Mananatiling Kapamilya sina Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Jake Ejercito.

Nagpasalamat ang tatlong Star Magic artists sa binigay na pagkakataon ng ABS-CBN na maabot ang kanilang pangarap at makagawa ng sari-sarili nilang pangalan sa industriya.

“The feeling is overwhelming like no words can describe what I’m feeling right now. The journey I had was indeed a rollercoaster ride, and I wouldn’t trade it for anything else,” saad ni Chie.

Nagsilbing pangalawang tahanan ni Chie ang ABS-CBN, at dito siya nakilala ng naka­rarami bilang calendar vixen, dancer, at aktres na napabilang sa mga programang Got 2 Believe, Love in 40 Days, at Beach Bros. Makikipagsabayan din siya kina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon sa pelikulang  A Very Good Girl na ipapalabas ngayong Setyembre.

Samantala, naging emosyonal naman si Anji matapos pumirma ng kontrata. Aniya, hindi siya makapaniwala na ang island girl na katulad niya mula sa Siargao ay magiging isa sa hinahangaang Kapamilya stars ngayon.

“It’s tears of gratefulness kasi looking back where I started, I was very glad to every people that I’ve worked with. Thank you so much for the opportunity to showcase me, not just my talent but myself as a person,” pagbahagi niya.

Mula sa kanyang pagsali sa Idol Philippines hanggang sa makilala bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, na­ging makulay ang Kapamilya journey ni Anji.

Sa ngayon, abala siya sa paggawa ng bagong musika, kabilang ang kanyang single na Paraiso, at patuloy na sumasabak sa aktingan pati hosting.

Isa rin sa mga mananatiling solid Kapamilya si Jake Ejercito, na nagmula sa pamilyang kinikilala sa showbiz. Dito rin niya inamin na nagdalawang isip siya sa pagpasok sa industriya, pero nanaig ang kanyang kagustuhang sundan ang mga yapak ng kanyang magulang.

“I’ve always been reluctant sa pagpasok sa industriya. But at the back of my head, gusto ko talagang i-pursue din ‘yung acting. So kung ano ‘yung nag-trigger to me during that time, parang nag-decide ako na ako naman. Susundin ko kung anong gusto ko, na I want to give it a shot kung para sa akin ba talaga ito,” ika ni Jake.

Kasama sa naganap na signing event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, head of TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at kani-kanilang handler na sina Gidget dela Cuesta, Portia Morales, at Cris Tapang.

Show comments