^

PSN Showbiz

Chie, gustong maabot ang narating ni Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Chie, gustong maabot ang narating ni Kathryn
Chie Filomeno

Mainit na pinag-uusapan ng netizens ang trailer ng A Very Good Girl na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Kabilang din sa bagong pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula Sept. 27 si Chie Filomeno.

Hindi raw inakala ng sexy actress na makukuha niya ang role bilang si Sab. “Actually, it was a go-see. I didn’t know na ‘yung go-see na ‘yon, ako lang pala talaga ang option nila for Sab. They were really patient with me para makuha ‘yung gusto nila kay Sab. I can’t wait for you to watch it,” kwento ni Chie.

Aminado ang dalaga na malaki ang paghanga niya kay Kathryn.

Ayon kay Chie ay gusto rin niyang maabot ang estado ng career ng kaibigan. “Kath, after Got 2 Believe, parang may isa kaming scene doon (sa movie) na, ‘Shucks! Tumatanda na talaga tayo.’ We’ve really come a long way. Mas humbling siya kasi ‘yung career path ni Kathryn, that’s what I look up to also eh,” pagtatapat niya.

Isang malaking karangalan din para kay Chie na makatrabaho ang isang award-winning actress katulad ni Dolly de Leon.

Maraming mga bagay ang natutunan ng dalaga mula sa magaling na aktres. “Grabe ‘yung makatrabaho mo si Ms. Dolly din. She’s so nice. Grabe ‘yung takeaway. I only had a few shooting days pero ang dami kong natutunan. This is why I love what I do kasi hindi today magaling ako, ibig sabihin pinanganak akong magaling na ako. I am surrounded by people na they really love what they are doing. ‘Yon ang mas nakaka-inspire to do well also,” pagtatapos ng aktres.

Ryan, handa nang pakasal

Kahit isang Koreano ay sa Pilipinas na gustong manirahan habangbuhay ni Ryan Bang. Gusto ng binata na ipagpatuloy pa ang ginagawang pagpapasaya sa kanyang mga tagahanga. “Dito ako lumaki eh, dito ako mamamatay. Habangbuhay ako rito, kasi mahal na mahal ko Pilipinas. Gabi-gabi po nagpe-pray ako kay Lord na, ‘Gamitin N’yo po ako.’ Dati kasi gusto ko magpasaya ng Filipino. Ngayon gusto ko, maraming-maraming Filipino yumaman dahil sa akin,” nakangiting pahayag sa amin ni Ryan sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon sa It’s Showtime host ay isang Pinay ang kanyang nais na maging asawa at makasama habangbuhay. Sa edad na tatlumpu’t dalawang taong gulang ay nakahanda na rin umanong mag-asawa ni Ryan. “Ngayon ‘yung nililigawan ko, nakikita ko na siya na. No’ng first time ko siya nakita parang may spotlights. Oo naman, Tito Boy, I am ready to settle. Nakaipon na ako, bata pa lang ako sinabi mo sa akin, ‘Mag-ipon ka.’ Nakaipon na ako kaya I wanna live my life forever here in the Philippines,” giit niya.

Naipakilala na rin ni Ryan sa mga magulang ang babaeng kanyang napupusuan. Mayroong payo ang ina at ama tungkol sa pag-aasawa ng aktor. “Sa Facetime, ‘Bilisan mo na bago siya magising. Ha-ha-ha! Bago siya mauntog, bilisan mo na anak,’” natatawang kwento ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

CHIE FILOMENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with