Yasmien, magaling magbalanse!

Yasmien, Ayesha at Rey

MANILA, Philippines — Ang ganda-ganda ngayon ni Yasmien Kurdi.

Talagang ngayon lalong naging stunning siya. Kung kelan siya nagkarun ng asawa at anak.

Sana nga ay patuloy na maalagaan ni Yasmien ang maganda niyang patakbo sa pagsasama nila ng mister niyang si Rey Soldevilla na isang piloto. At siyempre pagiging ina niya.

Iyong time management at pagiging very mature sa lahat nang dumarating sa buhay niya ay nasa tamang lugar.

Among the Starstruck graduates, masasabi kong isa si Yasmien sa talagang naging very solid ang kinalalagyan sa kasalukuyan, showbiz career at buhay-pamilya.

At hindi siya nagkaroon ng kahit kaunting confusion sa buhay  dahil na rin sa mahusay niyang paghawak dito.

Kaya naman very proud ako sa nangyayari sa kanya at pag-aalaga ng GMA dahil hayan at kitang-kita mo na maganda ang tinatakbo ng buhay at career niya in general.

At ang nakakatuwa pati ang anak nilang si Ayesha ay nagpapakita ng husay sa gymnastics.

Bongga talaga si Yasmien.

Nagagawa niya lahat ng responsibilidad kasabay ng pag-aalaga sa kanyang sarili.

Sana tularan siya ng ibang mga artista ngayon na marunong i-balance ang buhay.

Show comments