Nilantad na ni Lovi Poe na engaged na sila ng British boyfriend na si Monty Blencowe.
Aniya, ilang taon na ang nakalilipas.
Tahimik daw nilang ibinahagi at ipinagdiwang ang sandaling ‘yun kasama ang kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan, pero ngayon ay masaya nilang ibinabahagi sa lahat ayon sa kanyang life update post.
“A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring.
“We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends, so we’re now more than happy to share this sweet #lifeupdate with you,” kumpletong post ng actress na diumano’y sa London ikakasal next month.
Matagal nang alam ng ibang kaibigan ni Lovi ang nasabing engagement.