^

PSN Showbiz

Melai, mukhang unggoy kahit nag-e-endorse ng beauty products!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Melai, mukhang unggoy kahit nag-e-endorse ng beauty products!
Melai at Mela
STAR/ File

Mismong anak ang nag-okray...

Ahh biro lang daw ang paliwanag ni Melai Cantiveros sa pagtawag sa kanya ng anak na unggoy sa isang Instagram story kung saan sinabi nitong “Guys, nagre-refer si Mama ng mga products, beauty products, pero mukha pa rin siyang unggoy.”

Whoaa.

Of course maraming nag-react at nagkomento na walang respeto sa ina ang bata samantalang ginagawa na nga nito ang lahat para sa kanila.

“Kasi bata lang ang anak ko guys . Di ako papayag na kng anu anu sasabihin nyu sa anak ko dahil ako ang dumidisplina sa mga anak ko ,kilala ko mga anak ko madasalin mga yan pati mundo pinagdarasal nga ng mga yan Disiplinado mga yan at Masayahin , alam nga mga anak ko guys kung kailan ang kulitan at kailan ang seryosohan . Sa mga seryoso macyado sa role nila sa buhay magstretching dn kayu guys importante ang happiness and enjoyment sa pagsasama nyu sa buhay, Wag nyu kalimutan mag enjoy sa guys. Sa mga nakakaintini naman sa kulitan nmin, Maiintindihan nyu rin kami pagdating ng panahon , panoorin nyu nalang kami araw araw para umabot na kayu sa punto na naiintindihan nyu na kami at masasabi nyu “ahhhhhh ganun lang pala tlaga sila,” sabi ni momshie Melai sa kanyang caption.

Na parang ang meaning ay ginagawa nila siguro ‘yun para sa social media lang.

May kasama itong video na nag-uusap sila

“Ate Mela do you mean it to say your mama is a monkey?” tanong ni Melai sa anak.

“Hindi, mama. I love you naman. Prank lang. Joke joke lang ‘yun.”

“Ayan. Joke joke lang kasi ‘yun, guys. Sa mga hindi nakakaintindi, papaintindi ko sa inyo ha. Joke joke lang ‘yun guys. Ganun talaga ang happiness namin, ang kulitan naming family.”

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with