Jingle ng Eat Bulaga, kasama sa trademark?!
Ayaw nang sagutin ng mga taga-Eat Bulaga ang patutsada nina Joey de Leon at dating Senador Tito Sotto.
Nag-text kami kay Tito Sen kung puwedeng magpatulong na makapanayam ang kanilang abogado kaugnay sa isyu ng trademark at copyright ng Eat Bulaga, pero hindi pa siya sumagot habang sinusulat namin ito.
Ang legal counsel lang na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang nakakausap namin at matiyagang nagpaliwanag na ang trademark ang kailangan, hindi ang copyright.
Muli niyang nilinaw sa aming ang trademark ang kailangan para sa Eat Bulaga na title at logo nito.
Sabi pa niya nung nakatsikahan namin nung Sabado. “Trademark ‘yung name and logo. Kumbaga, walang makakagamit nun, ng name ng Eat Bulaga saka EB. Kasi ‘yun ‘yung covered ng kanilang trademark registration; EB ahhh trademark na Eat Bulaga, at saka EB, at saka logo ng Eat Bulaga.”
Pati ang jingle ng Eat Bulaga ay nilinaw niya sa aming hindi na nila ginagamit ‘yun para maiba na talaga sa unang Eat Bulaga nina Tito, Vic and Joey.
Kung tutuusin sabi niya, pag-aari pa rin ng TAPE, Inc. ang kantang Eat Bulaga. Nasa TAPE raw ang nagsulat nito na si Vincent Dy Buncio. Pero ang naglapat daw ng melody ay si Vic Sotto. “’Yung gumawa ng song na ‘yun si Vincent Dy Buncio ‘yung ‘Mula Aparri..” sa kanya ‘yung lyrics na ‘yun. Ang kay Vic lang dun ‘yung melody ‘yun. ‘Yung lyrics kay Vincent Buncio ‘yun na employee ng TAPE. Siya ‘yung headwriter dati. So, kumbaga sa kanya ‘yung copyright, kay Vincent Buncio ‘yun.
“Umamin sa amin si Vincent Buncio na nung pinagawa sa kanya ng TAPE ‘yun, bayad siya ng TAPE for that,” lahad pa ni Atty. Maggie.
Sinasadya na raw nilang maiba na talaga ang Eat Bulaga ngayon na hindi ‘yung dating programa ng TVJ.
Iniba na raw nila ang segments at ibang-iba na raw sila sa hosts dati.
Sinusubukan pa rin naming hingan ng pahayag ang kampo ng TVJ, lalo na ang kanilang legal counsel.
Shira Tweg, kasama sa mga bagong talent ng Net 25
Pursigido ang Net 25 sa pagtuklas ng bagong talents na igu-groom ng naturang network. Halos 30 new faces ang ginu-groom nila ngayon at dumadaan sa mga workshop at training ng iba’t-ibang coaches sa ilalim nang pamumuno ni Eric Quizon.
Isa nga sa kinuha nila ay ang 16-year-old na alaga ng kaibigan naming si Bambbi Fuentes na si Shira Tweg.
May potential ang bagets dahil bukod sa maganda, magaling kumanta at willing matuto sa pag-arte.
Halos araw-araw ay may training sila sa Net 25 at magkakaroon daw sila ng parang recital sa susunod na buwan.
“Nag-audition po ako sa Net 25 like few months ago, nakuha po ako. Ngayon po nagwu-workshop kami. They train us to sing, dance, hosting po. Under po siya kay direk Eric Quizon. Binibigyan po niya kami ng different coaches po, for acting, for singing, iba-iba pong coaches,” kuwento sa amin ni Shira nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang linggo.
Nakapag-guest na siya sa ilang shows ng Net 25. Hindi raw niya alam kung ano ang shows na ibibigay sa kanila. Pero may mga nakaplano na raw sa kanila.
“Sa September po magkakaroon kami ng recital, parang launching, parang ganun po,” sabi pa ni Shira.
Last Saturday ay isa sa guests si Shira na nag-perform sa Erase Beauty Concert Series na ginanap sa Navotas Sports Complex.
Si Gerald Santos ang nanguna sa concert series na ito na kung saan ay iikutin nila ang iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kinanta ni Shira ang first single niya sa Star Music na Pag-ibig, at meron pa raw siyang iri-record na bagong kanta.
Magiging bahagi rin si Shira sa benefit concert na pinamagatang One Night Only with Angeline Quinto para sa The Childhaus.
Gaganapin sa Aug. 17 sa Clowns Republik sa Quezon City.
Kasali rin ang young singer/actress sa pelikulang Ang Siga ng Tondo...Daw ng nagbabalik na si Rhene Imperial na nagtayo ng sariling production na R.A.C. Imperial Multimedia Production.
- Latest