May bago na namang dagdag sa clan ng mga Revilla dahil magkakaroon na ng baby ang mag-asawang Jolo at Angel Revilla.
Isang munting anghel ang dagdag sa kanilang pamilya.
Pero siyempre hindi naman mababawasan ang pagmamahal nila sa panganay na anak ni Jolo na si Gabs. Sure ako na mahal din ni Angel ang stepson dahil makikita mo na very close rin sila.
Diyan ko hinahangaan si Jolo dahil talagang very responsible siya at very focus sa mga ganap sa buhay niya.
Talagang alam niya ang responsibility niya, alam niya ang dapat niyang gawin.
Hanga ako sa pagiging family niya.
Baha, noon pa problema
Naloka naman ako na para bang kasalanan ng tao o ng nasa gobyerno itong mga nangyayaring kalamidad.
Iyang bagyo at baha, bata pa ako iyan na naririnig ko na problema.
Nakakatawa nga na every time na umulan nang malakas, for sure may baha. Meron na akong isip noon pang panahon ni President Ramon Magsaysay at noon pa problema na iyang baha.
Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon na 76 na ako, iyon pa rin ang problema.
Ilang Presidente na iyon ha. Pero lagi mo pa ring naririnig ang paghahanap ng solusyon. Hindi naman naayos.
Kaya walang kasalanan si Presidente Bongbong Marcos sa mga nangyayaring baha ngayon.
Long time o baka lifetime problem na iyan. Kaya huwag nang sisihin pa ang gobyerno. Gawin na lang natin ang puwede nating gawin. Wala nang reklamo.
Basta malaki ang tiwala ko kay Usec. Honey Rose na pagod na rin sa pagtulong sa lahat ng may kailangan.