Sunshine hinimay ang naging matinding mental health condition
Ilalahad ni Pira-Pirasong Paraiso actress Sunshine Dizon ang matinding pagsubok sa kanyang mental health at kung paano niya ito nalampasan sa Tao Po kasama si Bernadette Sembrano ngayong Linggo (Agosto 6) sa Kapamilya Channel at A2Z.
Ani Sunshine, gusto niyang maging inspirasyon ang kanyang kwento sa mga manonood na kinakaharap ang mga dinanas niyang kondisyon tulad ng Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD), major panic disorder, at social anxiety upang sila rin ay magkaroon ng lakas ng loob na humingi ng tulong at hindi mawalan ng pag-asa sa buhay.
Ngayon na lang ulit nagbabalik sa pag-arte ang actress.
- Latest