Alden, ayaw ng maraming kaibigan!
Magsisimula na ngayong araw ang month-long special episodes ng Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Magpakailanman.
Ang unang episode ngayong gabi ay ang A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story na kung saan merong cervical dystonia ang gagampanan ng aktor.
Sa loob ng mahigit 10 taon ni Alden sa showbiz, ang dami nang natutunan ng Kapuso actor, at isa sa nagmarka sa amin sa mga sinabi niya ay ang mga natutunan niya sa pakikisama at pakikipagkaibigan Ito raw ang gusto rin sana niyang ibahagi sa mga kaedaran niya. “Aside from being a hardworker, ‘yung pinaghihirapan mo lahat, ‘yung motivation, ‘yung puso, ‘yung fire... mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid nyo.
“’Yun ang nakakalimutan ng lahat, especially ng mga bago na... huwag po kayong masyadong available. Don’t be too available to strangers that you’ve just met.
“Because you’ll never know, may masabi ka diyan, masyado kayong masaya, masyado kayong emotional, may ikuwento ka... something personal about your life. And then ginamit ‘yun against you.
“’Yun ‘yung mga ganung moments po kasi, na hindi siya naiiwasan in our industry. So, ingat.
“It doesn’t matter if you have a small group. Kahit bilang sa daliri. Basta these people, mapagkakatiwalaan mo sa lahat. Puwede kang malasing na kasama ‘tong mga taong ‘to. Itong mga taong ito, ‘pag may problema kang kahit 3 in the morning pupunta ‘yan kahit saan ka. Those people are the ones you should treasure and keep in your life, especially when you’re in this industry,” banggit ng actor.
Itutuloy pa rin ni Alden ang pagpu-produce, pero mas nag-iingat na siya ngayon.
Star na laging pakontrobersyal, patok ang serye
Impressive ang performance ng tatlong afternoon drama ng GMA 7.
Madalas pa nga ay mataas pa ang rating nito sa GMA Telebabad.
Ang Abot Kamay Ang Pangarap pa rin ang pinakamataas.
Sumusunod ang Magandang Dilag at kahit ang The Seed of Love ay pataas din nang pataas.
Kaya may narinig kaming pinaghahandaan ngayon ang mga nasa afternoon drama para lalo pang mapalakas ito.
May isa ring series na mukhang i-extend pa, kaya nagpapatawag sila ng panibagong schedule ng taping sa mga cast.
Ayaw lang muna nilang i-announce sa ngayon dahil inaayos pa ang script. Kaya ang suwerte rin ng lead actress nito na ilang beses ding nasangkot sa mga kontrobersya.
Christian at misis, may bagong negosyo
Ang asawa na pala ni Christian Bautista na si Kat Ramnani-Bautista ang nagma-manage sa Asia’s Romantic Balladeer.
Ito ang in-announce ng NYMA (Now You Must Aspire!) Talent Management na kung saan si Kat ang CEO nito.
Pero hindi naman nawala ang Stages ni Carlo Orosa na siya naman talaga ang nagha-handle ng showbiz career ni Christian sa loob ng 20 years.
Bale co-management ito ng NYMA sa Stages.
Sabi naman ni Christian, pareho lang daw ‘yan ng ibang talents ng Stages kagaya ni Aicelle Santos na co-managed with Sparkle at si Sam Concepcion naman ay sa Viva Artists Agency naka-partner ng Stages. “I’m so appreciative with my manager sina Carlo, sina Kuya Audie (Gemora) and talagang... again with NYMA kasi parang together, they saw potential,” pahayag ni Christian sa nakaraang mediacon ng NYMA.
Tinanong nga ang mag-asawa kung paano ang partnership nila na dito sa NYMA, si Kat siyempre ang boss. “’Di ba pangarap ‘yan ng lahat na maging boss mo ‘yung asawa mo?” pabirong sagot ni Kat.
“Pero joking aside, may solusyon lang po diyan. Simple lang po ‘yan. Ipapasok ang third party. Pero, hindi third party na relationship. Hindi po sa relationship... dito, third party sa management,” dagdag na pahayag ni Kat Bautista.
Doon ay ipinakilala na rin ang iba pang talents nila tulad ng social media influencers na sina Abi Marquez, na nakilalang si Lumpia Queen, ang cycling advocate na si Buji Babiera, ang magaling sa house decoration na si Frances Cabatuando, ang artist na si Raco Ruiz, Jukay ‘Jookstogo’ Jurao, ang American singer-songwriter na si Jamie Miller at ang Korean superstar na si Eric Nam.
Co-managed naman ng NYMA sina Jamie at Eric sa EN Management.
- Latest