Sana naman back to serious na ang relasyon nina Kris Aquino at Marc Leviste.
Kasi at this point mas maganda para kay Kris na may isang Marc Leviste sa tabi niya na nagmamahal at mag-aalaga sa kanya.
Mukha namang sa tiyaga na ipinakita ni Marc seryoso ito sa kanyang love kay Kris.
Matagal na ring nanliligaw kay Kris si Marc. Close na ito sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.
Kahit paano magka-level na rin ang kanilang kinalalagyan dahil pareho naman silang achievers.
Sana nga maging tahimik at maayos na ang lovelife ni Kris.
‘Yung matagpuan na niya sana ang isang nagmamahal na talagang para sa kanya. At kung si Marc iyon why not, ‘di ba.
Kaya isa sa prayer natin aside from gumaling na sana si Kris ang matagpuan na niya ang isang stable at tahimik na lovelife.
Kailangan pa rin niya ang isang magmamahal sa kanya at makakasama niya habangbuhay.
At sana, now na, habang bata pa siya.
Benjie Paras, magtuturo ng basketball sa Cebu
Siguradong mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ng alaga kong si Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong Sabado, Aug. 5 para sa GMA Masterclass: The Sports Series.
Makakasama ni Benjie na kilala as The Tower of Power sa pro basketball, ang NCAA athlete at San Sebastian Golden Stags player na si Alex Desoyo Jr.
Bongga.
Noong July 15, nagtungo sa Bacolod City ang Masterclass... kasama si basketball legend Noli “The Tank’’ Locsin at Miggy Corteza ng Benilde Blazers.
Very successful daw ang naging event dahil pinuntahan ito ng aspiring young athletes.