^

PSN Showbiz

Anak nagpapagamot pa BJ Tolits Forbes, suko na sa pulitika

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Anak nagpapagamot pa BJ Tolits Forbes, suko na sa pulitika
BJ Forbes

Ayaw na sa pulitika ng former young actor na si BJ Forbes.

Mas gusto niyang balikan ang showbiz.

Isa siya ngayon sa mga bida sa pelikulang The Special Gift.

Ramdam niya raw ang ibang elemento sa pulitika.

Paliwanag niya : “Hindi po ako tatakbo this coming election dahil po hindi po sigu­ro ‘yun talaga ‘yung gusto ng puso ko. Dahil po nasa puso ko ‘yung pagtulong. Nasa puso ko po ‘yung pagseserbis­yo sa tao pero pag kasi pumapasok na ‘yung ibang elemento ng pulitika...

“Nandyan po ‘yung mga kasamahan natin na nakikita natin ‘yung ginagawa. Nandyan po ‘yung mga tao na hindi ka naiintindihan, na tao ka lang din at hindi nila nabili ‘yung pagkatao mo ‘pag ika’y nakaupo.

“So ‘yun po ‘yung mga gusto kong iwasan at ayokong lalo na po meron nga akong anak na kailangan kong focusan.

“So ayaw ko po ng mga negative thought kaya po lalayo muna ako sa politika.

“And I think kaya ko naman tumulong kahit wala po ako sa posisyon. But if given a chance na makapag full time po ulit sa showbiz... I’m very thankful kung mabibigyan po ng pagkakataon na mailabas po and this time hindi na ako ‘yung batang si Tolits.

“Mas kaya ko nang ihayag kung ano talaga ako, kung ano talaga ‘yung kaya kong gawin and kung paano ko i-handle ng tama rin ‘yung career ko po,” mahabang paliwanag ng dating That’s My Boy contestant na naging mainstay din ng Eat Bulaga.

At dito rin naikuwento si BJ ang kalagayan ng anak na apat na taon na si Janela.

Sinabi niya na inaalam pa pa nila ang dahilan seizure na sinundan ng stroke.

Pero tanggap na nila ang lahat.

Ang The Special Gift ay kuwento ng batang ten-year old na ginagampanan ng Kapuso young actor na Franchesco Maafi na tungkol sa bullying sa school na nadiskubre ng kanyang teacher.

“She’s four years old and she’s a PWD dahil nung one year old po siya ay nagka-seizure s’ya then na-stroke siya because of lack of oxygen sa kanyang utak.

“So it’s been three years na dealing and handling the situation of my child, my kid na hindi normal.

“Hindi siya nakakapaglakad, hindi siya nakakapag-talk because of the damage of the stroke. But for me hindi ko siya masasabi as disadvantage or hindi ko sya masasabi as talagang literal na pagkalugmok sa buhay or dagok sa buhay.

“It’s a blessing for me because ‘yun nga ‘yung istorya ko ‘pag tuwing kinikwento ko is maraming tao nata-touch ‘yung buhay and siguro talagang alam ng Panginoon kung gaano ako kala­kas kaya sa akin Niya binigay ‘yung pagsubok na ‘yun.

“So when it comes to special child, it’s very close to my heart. It’s very close to my old personal life experiences. So ayun po mahal na mahal ko ‘yung anak ko inspite of anything that happened,” pagbabahagi niya tungkol sa kanyang anak

Kasama rin sa movie sina Soliman Cruz  Mike Lloren, Malou Canzana, Migui Moreno, Ella Sheen, Romina Cauilan, Angelo Gomez among others.

Produced by Roy C. Gomez and directed by Lawrence Roxas.

ACTOR

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with