^

PSN Showbiz

Fans abanger sa susunod... Maja at Nathalie nakaraos na sa kasal!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Fans abanger sa susunod... Maja at Nathalie nakaraos na sa kasal!
Maja Salvador / Rambo Nunez and Nathalie Hart sa kanyang non-showbiz fiance.

Parang may pressure na ang susunod na ikakasal sa showbiz matapos ang pag-iisang dibdib nina Arjo Atayde / Maine Mendoza, Maja Salvador / Rambo Nunez and Nathalie Hart sa kanyang non-showbiz fiance.

Ang ganda ng mga nasabing kasalan.

Na lahat destination wedding.

Sa Baguio, Bali and Australia respectively.

Si Bea Alonzo ang bagong engaged kay Dominic Roque pero wala pa silang ibinibigay na detalye tungkol sa binabalak nilang kasal.

Anyway, kahapon nga kinasal na sina Maja at Rambo sa Bali.

Maraming bumiyaheng friends ng bagong kasal sa Bali like Kathryn Bernardo, Janella Salvador, Joshua Garcia, Maine Mendoza, among others.

Pero mukhang medyo ngarag ang face ni Maja sa naglabasang photos kahapon. Though ang ganda niya sa simpleng ayos.

Samantala, ikinasal naman sexy actress na si Nathalie Hart sa kanyang Australian fiancé na si Brad Robert.

Walang sabi-sabi, wedding photos na agad ang ini-upload ni Nathalie.

Ginanap ang kasalan sa Australia.

“Still can’t believe it,” ang maiksing caption niya sa kanilang wedding photos na ini-upload niya.

Nauna nang binanggit ni Nathalie sa kanyang interview na natuto na siya sa mga nakaraan niyang pagkakamali.

Aniya, hindi naman kailangang sabihin ang lahat ng bagay sa kanyang buhay sa social media.

“At the end of the day, I’ve learned to really take a step back and wait,” aniya sa isang previous interview.

At naniniwala siya na kung para sa kanya, sa kanya talaga. At naganap na nga ang kasalan.

Sabi nga ni Nathalie, second chapter na ito ng kanyang life. “Robert is Australian and I met him sa church,” say niya pagkatapos nitong mag-propose last year.

MAJA SALVADOR

NATHALIE HART

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with