May mga pumalag sa ginawang pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa It’s Showtime kahapon.
Ayon nga sa inilabas na statement ng MTRCB “Nag-issue ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Notice to Appear at Testify sa Producers ng noontime variety show “It’s Showtime” bunsod ng patung-patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa mga eksena na nagpakita ng diumano’y indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng show na ipinalabas noong ika-25 ng Hulyo 2023 sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11.
“Ang naturang eksena ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986.”
Kahapon naganap ang nasabing paglilitis pero habang sinusulat namin ito wala kaming nabasang resulta.
Kinumpara ng fans ng programa ang eksena sa isang commercial ng cake na madalas daw na ipinakikitang nasasarapan ang nage-endorse at sinusubo ang icing.
Ganun diumano ang naging basehan ng nasabing imbestigasyon ng MTRCB sa mag-jowa.
Ganundin daw kaya ang magiging reaction ng MTRCB kung babae at lalaki ang nagsubuan ng nasabing icing ng cake on national television?